Una sa Balita

Hintayin muna ang ikakanta ni Napoles

By
0 943

Panahon na upang papanagutin ang lahat ng mga sangkot at nakinabang sa pork barrel fund na siyang pondo ng bayan mula sa buwis ng taumbayan.

At itong sinasabing dahilan kung kaya’t isinailalim sa provisio­nal witness protection program ng Department of Justice (DOJ) si Janet Lim Napoles na naunang tinaguriang umanong pork barrel queen.

Mismong ang kam­po ni Napoles ay umamin na pinili lang ng ­nakaraang admi­nistrasyon ang mga pinuntirya at pinapanagot sa pork barrel fund scam kung saan ay pinangunahan nina dating Se­nador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Batay sa mga naunang lumabas na listahan ni Napoles ay marami pang sangkot na politiko sa pork barrel fund scam na bilyong piso ang ninakaw na dapat protekto para sa taumbayan.

Makakabuting pakinggan muna at hintayin kung sino ang mga ikakanta ni Napoles at kaniyang pa­ninindigan Ang naunang inilabas na listahan.
Ayon kasi sa naunang bersiyon ni Napoles ay ilang dating senador at kongresista na natapos na ang ­termino at kasalukuyang ­senador at ­kongresista ang ­direktang ­na­kinabang sa pork ­barrel fund scam.

Ang mga mambabatas na ito ay ang iba ay nasa kasalukuyang oposisyon at ang iba naman ay kaalyado na ng Duterte Administration.

Kung ang ikakanta lang ni Napoles ay ang kasalukung nasa oposisyon ay hindi pa rin makakamtan ang hustisya para sa pondo ng bayan.

Kung ang pintas at alegasyon sa nakaraang administrasyon na pinili lang ang kalaban ay dapat na itama ng Duterte administration at papanagutin ang lahat kahit pa kaalydo.

Samantala, dapat din na papanagutin mismo si Napoles sa kasong ito dahil kasama siya sa direktang nakinabang sa pondo ng bayan.
Malinaw sa Republic Act no.7080 na sinumang tao ay maa­ring mapanagot sa kasong plunder at hindi ito limitado sa mga opis­yal at empleyado ng gobyerno.