Una sa Balita

Hiniwalayan ng mister, 3 anak kinatay ni misis

0 480

PINATAY ng isang 39-anyos na ina ang tatlo niyang anak saka ­nag-suicide.

Ayon sa Texas authorities, edad 7, 9, at 11 ang mga bata.

Binaril ni Ashley Auzenne ang kanyang sarili matapos paslangin ang mga anak na sina Parrish, 11; Eleanor, 9, at Lincoln, 7, sa loob ng kanilang tahanan sa Deer Park, Texas, ayon sa Yahoo News.

Nadiskubre ang mga bangkay nila umaga nang Oktubre 29 nang i-report ng kanilang kaanak na ­hindi nila makontak ang mag-iina.

Samantala, hindi pa batid ang motibo sa murder-suicide pero nangyari umano ang krimen isang linggo matapos mapanalisa ang ­divorce ni Ashley sa kanyang mister.

Narekober naman ang ginamit nitong baril sa crime scene. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy