Una sa Balita

Hininga ni Jones, amoy burger – Arwind

0 402

sindakan ang labanan!

DUMATING sa Smart Araneta Coliseum Linggo nang gabi ang San Miguel Beermen para maglaro ng basketball, hindi para pang-urot.

Kumpara sa unang tatlong laro ng PBA Commissioner’s Cup Finals, mas kalmado ang Beermen. May mga pagkakataong ginigipit si TNT import Terrence Jones, pero walang umigkas na mga braso at siko, walang dunggulan, walang maingay na trash talks.

Emosyonal pa rin ang laro, mainit pero kontrolado.

Ang resulta ay 106-101 win ng San Miguel para itabla ang best-of-seven sa tigalawang laro. Game 4 sa Miyerkoles sa Big Dome rin.

Focused sa laro ang SMB, sa umpisa ay nagawa muling lumamang 29-19. Naagaw ng KaTropa ang manibela 52-51 sa halftime, pero hindi nag-panic ang Beermen at nagawa pang ilayo ang bentahe hanggang 84-69.

Pinakamalapit sa physical contact ang nangyari sa pagitan nina Arwind Santos at Jones 6:47 sa third at lamang ang SMB 90-78.

Na-foul si Jones habang nagmamaniob­ra sa basket, pagtigil ng play ay nilapitan nito si Santos. Ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha ng dalawa, nakayuko si 6-foot-9 Jones kay Santos.

Maya-maya, akmang manghe-headbutt na naman si Jones. Umangat na ang ulo nito pero biglang huminto bago tumalikod.

“Nagsigawan lang,” ani Santos. “Pinaamoy lang niya hininga niya sa akin.”
Walang contact, wala ring pito. Napaghiwalay agad ang dalawa.

“Amoy Amerika, amoy burger,” dagdag ng veteran forward. “Sanay na ako dun. Ganu’n lang talaga pagka nagkakainitan.”

Stare-down, gulatan lang daw. Pero walang balak tumiklop ng Kapampangan.
“Gulatan lang naman kung sino masisindak. Ano lang ‘yun, part lang ng game,” aniya. “Kaya lang mas malakas siyang bumuga kaysa sa akin, in fairness.”

Umiiwas na raw si Jones sa taunting, mga titigan mata sa mata. Napagmulta na ang dating Houston Rocket ng P20,000 sa flagrant foul 1 na na-upgrade sa F2 bunga ng headbutt niya kay Chris Ross noong Game 3. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy