Una sa Balita

Hinila ng NAKAITIM na lalaki

0 294

MGA ka-Misteryo naranasan niyo na bang hilahin ng kakaibang nilalang habang kayo ay natutulog?

‘Yan ang ating misyon: “Basta may Misteryo, ­Alamin natin ang Totoo!”
Kagagaling lang sa ­trabaho ni Dennis ng ­Makati at dahil sa sobrang pagod ay nahiga na siya agad sa sofa at doon na nakatulog.

Hindi pa mahim­bing ang tulog ni Dennis nang biglang may humawak sa kanyang paa dahilan para magulat at magising siya.

Dahil sobrang ­antok ni Dennis ay nahiga siyang muli sa sofa hanggang sa makatulog na naman siya.

Dito na nahimbing ang kanyang pagtulog hanggang sa managinip siya na may nakatayong lala­king nakaitim sa kanyang paanan. Hindi maaninag ni ­Dennis ang mukha ng lalaki pero ito ay nakasombrero.

Nagulat, natakot si ­Dennis kaya’t tinanong niya ang mahiwagang ­lalaki, “Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?”

Parang walang ­narinig ang lalaking ­nakaitim, kaya’t nakaramdam ng ­panganib si Dennis. ­Sinabihan niya ang ­lalaki na, “Umalis ka ‘wag mo ko ­takutin tatawag ako ng ­pulis, trespassing ka ­bigla ka pumasok sa unit ko!”

Pagkatapos nu’n ay ­biglang dinakma ng ­lalaki ang dalawang paa ni ­Dennis at hinila siya. ­Nagsisigaw si Dennis at humingi ng ­tulong pero wala siyang ­boses, wala ­siyang ­magawa sa panaginip.

Biglang naisip ni Dennis na magdasal at ­humingi ng tulong kay ­Arkanghel ­Michael nang biglang may tumama na ­liwanag sa ­lalaking nakaitim at ­nabitawan siya. Hanggang sa magising si Dennis at nagulat siya, nasa kama na siya.

Palaisipan kay ­Dennis ang nangyari kung ­paano siya napunta sa kama ­gayung nakatulog siya sa sofa. Sa tingin ng #TeamMisteryo marahil ­sadyang doon siya sa kama ­gustong dalhin ng mahiwagang ­lalaki. Wala naman ­siyang narinig na sinabi ng ­nilalang.

***

Para sa inyong mga karanasang nakakatakot at kababalaghan, mag-email sa TeamMisyeryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy