Una sa Balita

Hindi tumukod ang San Miguel Austria bilib

By
0 1,485

Saludo si San Miguel Beer coach Leo Austria sa kanyang mga tauhan na sina Marcio Lassiter at Arwind Santos dahil hindi tumiklop sa harap ng mga kalaban.

Sa larong tinampukan ng apat na ejections at 51 personal fouls combined, nailu­sot ng Beermen ang 99-94 panalo kontra TNT KaTropa sa Petron Sa­turday Special ng PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena.

Ejected sina Lassiter at Santos, gayundin sina Terrence Romeo at Anthony Semerad ng Texters.

Umpisa pa lang ng laro ay nagkakagirian na sina Lassiter at ­Romeo, nag-abot sa 3:40 mark ng second quarter.

Nag-drive si Romeo, binigyan ng hard foul ni Lassiter. Ininis ni ­Romeo ang SMB guard, pinalakpakan pa sa mukha. Tinulak ni Lassiter sa dibdib ang TNT gunner, talsik ang dalawa habang abante ang San Miguel, 48-37.

May 7 1/2 minutes pa sa fourth at lamang ang SMB, 85-83, nagbuhol naman sina Santos at Semerad sa isang rebound play. Nag-igkasan ang siko ng dalawa hanggang lapag, at parehong binigyan ng Flagrant Foul 2.

“Salute ako sa kanila because they showed na they’re out there to win games to the point na lagi silang makikipagrambulan for the team,” ani Austria.