Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hindi tumatalikod sa pangako ang gobyerno

0 232

Kahit may pandemya tayong kinakaharap, ating nasaksihan kung gaano kasipag magtrabaho ang ating mga kawani ng gobyerno sa national at local government agencies. Tuloy-tuloy pa rin silang naghahatid ng serbisyo sa publiko upang maisakatuparan ang mga proyektong pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sa pangunguna ng National Housing Authority (NHA) katuwang ang mga opisyal ng LGU, at mga kapwa tagapaglingkod natin sa gobyerno, nais kong ipaabot ang taos-pusong pasasalamat sa inyong walang humpay na sakripisyo para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Higit sa lahat, ikinalulugod nating makita ang bunga ng halos pitong taong pagpaplano at pagtratrabaho para maipatayo ang mga pabahay para sa mga karapat-dapat na benepisyaro. Alam natin na sa panahon ng krisis, lalo na ngayong may pandemya, isa sa pinakaimportanteng biyaya sa buhay ang magkaroon ng sariling bahay sa ligtas na kumunidad at malayo sa peligro na kanilang dinanas.

Batid ito ng inyong gobyerno. Kami ay nakikinig sa inyong mga hinaing at mga kaugnay na pangangailangan. Kaya bilang tugon sa atas ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte, nandito po tayo, kasama ang iba’t ibang mga ahensya, ang mga local officials, at iba pang stakeholders para magtulungan sa pagtitiyak na mai-turnover na ang mga pabahay na ito sa ating mga beneficiaries na matagal nang naghintay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katunayan, noong Hulyo 28, 2020, naisagawa na namin ang kauna-unahang virtual turnover para sa 1,831 housing units na physically completed sa probinsiya ng Cebu. Sunod-sunod din ang mga isinagawa nating ceremonial turnover nitong nakaraang buwan sa Region 8 kung saan nakapag-turnover na tayo sa ilang mga lalawigan sa Eastern Visayas gaya ng Ormoc City (1,419 units), Cabucgayan, Biliran (258 units), Almeria in Biliran (405 units), at Tacloban City (4,193 units). Gayundin, nito lamang Setyembre 16 ay nakapag-turnover tayo ng 1,000 units sa Basey, Samar at ang pinakahuli ay nitong Setyembre 18 naman ay 187 units sa Burauen, Leyte.

Ikinagagalak kong ibahagi sa lahat na batay sa datos ng NHA, as of June 2020, sa target na 20,700 housing units para sa lalawigan ng Cebu, natapos na ang 7,465 units at meron pang 9,413 units na sumasailalim sa konstruksyon. Sa Region 8 naman, as of June 30, 2020, sa 54,508 housing units na nakalaan para dito ay nakompleto na ang 35,462 units at meron pang ongoing na 10,877 units. Ito ay nangangahulugan ng 85% accomplishment rate.

Nilalayon namin na wala na sanang magmana sa mandatong ito bilang Chairman ng Task Force Yolanda. At ginagawa namin ang aming makakaya na makumpleto ang mga proyektong ito bago matapos ang termino ng Pangulo. Tiwala tayo na sa pamamagitan ng kooperasyon at dedikasyon ng lahat ng ating mga local chief executives, regional agencies at iba pang stakeholders, makakamtan natin ang adhikaing ito.

Ang mga pabahay na ito ay magbibigay ng dignidad sa mga pamilyang biktima ng bagyong Yolanda para tuluyang makalimot sa mapait nilang karanasan. Disenteng tahanan ang handog ng gopbyerno para sa kanilang pagbangon, para muling mag-umpisa mula sa pagkakalugmok at para bumuo ng isang matatag na pamayanan. Makakasa kayo na kailanman ay hindi tatalikod ang gobyerno sa pangakong pabahay nito para sa Yolanda victims.

KLARO.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.