Una sa Balita

Hindi tatagal si Broner – Fernandez

By
0 748

HINDI tatagal sa kabu­uang laban ang challenger na si Adrien Broner kung pagbabasehan ang matinding paghahanda at sakripisyong isinasagawa ng magta­tanggol na kampeong si Manny Pacquiao para sa kanilang WBA (regular) welterweight title fight sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa darating na Enero 19 (Enero 20 sa Pilipinas).

Optimistiko ang ka­babata at head trainer ni Pacquaio na si Buboy Fernandez na posibleng ma-KO ng kanyang alaga si Broner.

Sasagupa ang 40-anyos na si Pacquaio sa kanyang kabuuang ika-69 na laban kung saan bitbit nito ang record na 60-7-2 panalo-talo-tabla at may 39 knockouts sa pagsabak sa 23 taon bilang propesyonal na boksingero.

Matagal na panahon nang hindi nagawa ni Pacquaio na manalo sa pamamagitan ng knockout sa 147 pounds sapul nang talunin nito noong 2009 si Miguel Cotto kung kaya umaasa si Fernandez na pipilitin at magagawa ni Pacquaio na makapagpatulog ng kalaban dahil sa ma­tindi nitong isinasagawang pagsasanay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy