Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hindi siya selosa’ Catriona dedma sa Sam, Ivana lampungan

0 111

Puno raw ng kulitan ang taping ng ‘A Family Affair’ base sa kuwento ni Sam Milby. Mga nakakalokang eksena, na madalas ay nauuwi sa tawanan.

Anyway, isa nga sa hindi makakalimutang karanasan ni Sam sa shooting ay noong nagpu-photo shoot sila sa rancho, at may isang kabayo na nagwala, tumakbo.

“Naging maluwag kasi `yung tali, kaya nagwawala siya. Tumakbo siya palayo. Eh, ilang hectares ang lupa sa rancho. Then, habang nagpu-photo shoot, nakita namin tumakbo ang kabayo towards our direction. Walang pakialam ang kabayo. So, nagtakbuhan kami. Pero, wala namang nasaktan,” kuwento ni Sam.

At dahil puro nga sila lalake (Gerald Anderson, Jameson Blake, Jake Ejercito) normal na lang ang kulitan, kahit kaharap nila si Ivana Alawi.

“Puro kulitan talaga sa set. Mahilig mang-asar. Ganun kami.

“It’s a very intense dramatic series. Pero, masaya kami sa taping.

“Si Ivana, she loves to feed people. Galante siya. Mahilig siyang magpabili ng pagkain sa lahat,” kuwento ni Sam.

Kuwento pa ni Sam, nakita rin niya kung paano magalit si Ivana.

“Siyempre, first time na magkasama kaming lahat, kaya ako nag-organize ng hiking. Para bonding.

“But I was wrong. Si Ivana pala, ayaw niya ng mga kahit anong work out or anything like that. Ayaw niya ‘yung mga physical activity. Eh, 75% talaga ang pagod namin, kaya galit na galit siya.

“She was not happy. But feeling ko, deep inside, nag-enjoy rin naman siya sa hiking!” pahayag ni Sam.

Alam ba ni Sam na crush siya ni Ivana?

“Nagulat lang ako, I had no idea!” sabi ni Sam.

Pero, ano ba ang na-discover niya kay Ivana?

“She’s very beautiful. Hindi siya maarte. Very easy to work with. Makulit siya. Discovery? Siguro, ‘yun nga, `yung ayaw niya ng mga exercise. Kaya sa mga future suitors niya, don’t plan ng mga exercise or anything like that.

“But she’s very passionate sa trabaho. I’m sure magiging proud kay Ivana ang mga fans niya. Nakaka-proud talaga!” sabi ni Sam.

Ano naman ang nasabi ng girlfriend niyang si Catriona Gray sa sabi-sabing ‘intimate scenes’ nila ni Ivana?

“We tried to keep our relationship private.

“But one thing is sure, naiintindihan niya ang trabaho ko, kahit hindi siya aktres. We had a few talks. At naintindihan niya.

“I think, it’s hard to find, you know, someone that obviously not in the business, na naiintindihan ang trabaho ko.

“Hindi siya selosa. Understanding and trust is there. I’m thankful that I have someone like that!” nakangiting chika na lang ni Sam.

Bongga, di ba? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.