Una sa Balita

Hindi siya buntis: Megan tumaba sa NY trip with Mikael

0 819

abante-paistaran-dondon-serminoSabi ni Megan Young, tumaba raw siya, o nag-gain ng 10 pounds dahil sa New York trip nila ni Mikael Daez.

Sa chikahan nga namin sa backstage ng SM Megamall habang waiting pa sa pagsisimula ng programa ng Cosmo Skin event, na kung saan ay si Megan nga ang isa sa endorser, iginiit niya na tumaba talaga siya.

“Yes, tumaba talaga ako sa New York trip namin. I don’t feel bad about it, kasi nag-enjoy naman kami. So bawi na lang sa workout.
“Pag masaya talaga, pag may travel kami, napapalakas kami kumain,” say pa niya.

Pero, hindi nga namin makita ang pagtaba na ‘yon ni Megan. Para nga siyang hindi kumakain ng kanin. Kaya ‘wag na wag niyong iisipin na buntis siya dahil sa tumaba siya, dahil sa totoo lang, sa personal nga ay payat pa rin talaga siya.

“Kumakain ako ng rice. Pero pag kumakain ng rice inaantok ako dahil sa sugar. Mas kamote ang kinakain ko. Pero sa breakfast, nagra-rice ako.”
May cheat day ba siya, na kinakain niya ang lahat ng gusto niya?

“Oo naman. May mga times na kakain talaga ako, sa isang upuan puro kanin. At mas napapalakas ang kain ko kapag sinigang na baboy ang ulam.”
Anyway, kahit naman daw panay ang travel nila ni Mikael, mas wise na raw siya ngayon pagdating sa datung.

“Mas smart na ako sa mga desisyon ko, spen­ding my money. Hindi katulad noon na kapag may pera ako gastos lang ako. Ngayon kahit may pera ako, iniisip ko muna kailangan ko ba ito, magiging masaya ba ako pag binili ko ito, o magi-guilty lang ako?

“Hanggang sa hindi ko na siya bibilhin kasi parang feeling ko temporary happiness lang ‘yon.”

Siyanga pala, maraming plano si Megan sa 2019, pero hindi nga nabanggit kung kasama pa ang pagpapakasal nila ni Mikael.

 

Banta kay Derrick Monasterio:
Enzo Pineda palaban din sa hubaran

Isasabak na nga sa sexy movie si Enzo Pineda sa susunod na pelikula niya sa Regal Films. At wala raw problema sa kanya’yon, dahil oo nga naman, nag-pictorial na siya na naka-bikini lang na bukol na bukol nga ang ari niya.

“I’m open sa ganiyan. Sa ngayon parang common na lang yon. Like pag nanonood tayo ng mga movies na ga­ling sa ibang bansa, ang dami naman gumagawa ng ganiyan.
“Depende lang kasi sa execution ng director ‘yan, na artistic naman talaga. Tamang execution lang talaga, at okey ‘yon.

“Sa ngayon, no problem sa akin ‘yon, na magpa-sexy. Basta may story, may reason at kung ano ang pinanggagalingan ng character na ‘yon. So, okey lang,” sabi ni Enzo Pineda, na isa ring endorser ng Cosmo Skin.

Well, malaking threat nga si Enzo kay Derrick Monas­terio, na nagsimula na ngang magpa-sexy sa pelikula nila ni Sanya Lopez, ang Wild and Free. Pero bago raw ang movie na ‘yon, may ilalabas siyang mo­vie with Winwyn Marquez na isang romantic-comedy.

“Two shooting days na lang tapos na kami. So, pang-Valentine’s day ito, Throwback Thursday ang title.

“Sa next movie ko, probably sexy na. Pero hindi ko pa alam ang detalye, kung ano nga ang role. Pero, puwede naman talaga akong magpa-sexy. Depende sa kung ano ang pelikula na kinakagat ng mga tao.”

Sa ngayon, busy si Enzo sa ginagawang teleserye ng ABS-CBN, ang Nang Ngumiti ang La­ngit, kasama sina Cristine Reyes, Keempee de Leon, at marami pang iba.

“Next year pa siya ipapalabas, pero ngayon pa lang nagti-taping na kami. Ang role ko parang mixture of good and bad, eh. Tungkol ito sa dalawang pamilya na magkaaway,” sabi lang ni Enzo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More