Una sa Balita

Hindi sa virus! Red tape sa DOH ang papatay sa mga Pinoy – Win

0 421

Binatikos ni Senador Win Gatchalian ang tila mabagal ang accreditation ng mga testing center sa bansa gayundin ang importasyon ng mga test kit.

“It’s not the virus that will kill us, it’s the red tape and the lack of sense of urgency,” pahayag ni Gatchalian sa kanyang Twitter account.

“Ang tagal i-accredit ng DOH ang mga testing centers at importation of kits,” himutok pa ng senador.

Inihalimbawa nito ang itinayong testing center sa Marikina City na nakatakda sanang simulan ngayong linggong ito subalit kailangan pang suriin ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Gatchalian, kailangang mabilis na kumilos ang DOH para makapag-operate na ang nasabing testing center para makatulong pagsuri sa mga taong posibleng mahawaan ng COVID-19.

“Maraming magugutom ‘pag hindi natin mahinto ito,”ani Gatchalian. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More