Una sa Balita

Hindi porke nag-bail absuwelto na! ‘tanda’, ‘sexy’ binira ni ni Villar

By
0 790

BAGAMA’T hindi niya pinangalanan, pinuntirya ni reelectionist Sen. Cynthia Villar sa kanyang ­unang pasabog sina dating ­Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada na mga kandidatong todo papogi umano sa publiko gayung hindi pa lubusang absuwelto sa kanilang mga kaso at nakalaya lang dahil sa piyansa.

Dahil dito, inakala umano tuloy ng masa na wala nang pananagutan sa batas ang mga kumakandidatong senador na nakalaya lang dahil sa piyansa sa mga kasong plunder matapos silang madawit sa multi-milyong pork barrel scam.

“Baka hindi naman alam ng masang Pilipino ‘yung impact nu’ng pagkulong sa mga senador, hindi nila naunawaan ‘yun. Halimbawa na-bail…ang masang Pilipino masyadong na-ano… tingin nila ‘pag nakalabas, ano na ‘yun, absuwelto na,” ayon sa senador.

Hindi tinukoy ni Villar sina Enrile at Estrada pero halata naman umanong ang mga nakulong na dating kasamahan ang pinasaringan nito na pawang akusado sa plunder dahil sa P10 bilyong pork barrel case na mina­niobra ng negosyanteng si ­Janet Lim-Napoles.

Matatandaang binansagan ng mga dating bataan ni Napoles si Enrile bilang “Tanda” samantalang “Sexy” naman ang itinawag nila kay Estrada bilang code name.

Pinayagan ng Supreme Court (SC) si Enrile na makalaya noong 2016 dahil sa edad na 94 ay mapanganib na umano sa kalusugan nito ang makulong.

Gayunman, muling kumandidato si Enrile para sa eleksyon sa Mayo dahil hindi umano hadlang ang kanyang edad para hindi niya ulit subukang makabalik sa Senado.

Nabilanggo naman si Estrada sa Camp Crame dahil sa P183.8 milyong plunder case noong 2014. Pinayagan siya ng Sandiganbayan na makapagpiyansa noong 2018.