Una sa Balita

Hindi pa tapos

0 1,454

Dear Dra. Holmes:
After 17yrs ngaun ko lng nlaman na invalid pla ang kasal nmin kc po nagpakasal pla cya s una. Pero wala npo cla nung babae nsa amerika npo. secret marriage…ang skin lng po kc nsaktan aq dhil di nya sinabi ang totoo sa iba ko p po nalaman .

nawawala ang tiwala ko knya pero mahal ko po cya. mag dalawa npo kmi anak ngaun. (gusto ko) po maka move on aq . naaapektuhan npo kc ang mga anak ko. Ofw po ang asawa ko ngaun. kaya di po kami makapag usap ng maayos. Ayoko po muna makipag usap sa abogado.
Mariz

Dear Mariz:
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish ng buo noong nakaraang Lunes, Hulyo 22. Sa huling kolum natin noong nakaraang Miyerkoles, Hulyo 24, sinabi ko na maaaring mayroong mga “special circumstances” kung b­akit hindi nasabi sa iyo ng mister mo na kasala na siya.

Hindi ko sinasabi na kailangan mo s­iyang patawarin. Pero sabo mon a mahal mo siya at ayaw mong makipag usap sa abogado, pahiwatig na ayaw mong maghiwalay sa kaniya.

Kung ang balak mo nga ay huwag makipag-hiwalay sa kaniya, mas maigi na mag usap kayo. Kailangan kayong mag usap para maunawaan mo bakit niya tinago sa iyo na kasal na pala siya. Napakalaking bagay ito para itago ng isang tao sa kaniyang partner. PERO, malay natin, bak mayroon siyang mabuting dahilan. Hindi Mabuti in the sense na “wow”. Hindi mo pala sinabi sa akin kasi mahal na mahal mo ako!” –parang bola lang ang dating nun, diba, Mariz?

Pero mabuti in the sense na, “nararamdaman ko ang iyong pagsisisi at tunay kitang pinapatawad. Kung wala k­asing pagtatawad, dearest M­ariz, bale wala nalang ang pagsasama ninyo. Hindi magiging tulong, pero hadlang, sa buhay ninyo ngmga anak mo. Ingat at good luck—MG Holmes

Si Dra. Holmes at nagsusulat sa Abante sa Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes. http://www.facebook.com/drmargieholmes

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy