Una sa Balita

Hindi pa nga nanganganak:Marian gusto na ulit pabuntis kay Dingdong

By
0 1,340

Bago manganak ang Kapuso Primetime Queen, may bago silang endorsement na mag-ina, kunsaan ay kasama niya ang anak na si Maria Letizia o Zia, ang NIDO 3+. Kilalang breastfeeding advocate si Marian, pero nang mag-three na si Zia, ang naturang gatas na raw ang iniinom nito.

Natawa si Marian nang tanungin ito na sa edad na tatlong taon, mukhang marami na raw naipon ang anak at kung ano raw ang ginagawa nila sa ipon nito.

“‘Yun talaga ang topic niyo sa akin?” natawang sabi naman niya.

“Basta ganito na lang, lahat ng ine-endorse niya, e, may sarili siya. Siyempre, naka-PNB kami ‘no,” natawang sabi niya.
“At saka siyempre naman, siya ang naghirap nun, sa kanya ‘yun. Sabi ko nga sa kanya, kapag nag-eighteen years old siya, ibibigay namin sa kanya.”

At three years old, sa kabila ng kakikitaan talaga si Zia na nasa dugo nito ang pagiging artista at very natural kapag may hawak ng microphone at sa harap ng camera, alam na ni Zia talaga na may sarili na siyang pera at may bayad siya sa ginagawang mga endorsement?

“Sabi ko sa kanya, ‘yung ginawa naming TVC ng NIDO 3+, anak magwu-work tayo. Sabi niya, so Mama, if I have work, I’ll have money? Sabi ko, yes! Tapos sabi niya, Mommy, I’ll buy you shoes!”

Kahit sino, makikita talaga agad ang katangian ni Zia na bukod sa pagiging maganda at bibong bata ay talagang napaka-sweet din na anak. Sa presscon nga, buong ningning niyang sinabi na she wants her Mama to be happy raw at nang mag-I love you si Marian kay Zia, sinagot ni Zia ng “I love you more.”

“Nakakatuwa lang kasi very vocal siya. Parang ‘yung kinuwento ko kagabi, antok na antok ako. Tapos, nakatingin siya, sabi niya sa akin, ‘Mama, thank you. You know what, Mama, you’re the best Mom! Nagising tuloy ang diwa ko. ‘Yun talaga ang pinaka-best sa pagkakaroon ng isang anak.”

Handang-handa na rin daw si Zia sa pagiging ate niya sa magiging kapatid nito na baby boy. Involved daw sa lahat si Zia kahit nang magpa-ultrasound sila.

Sabi namin kay Marian, kumpleto na ang pamilya Dantes.

“Lord, isa pa!” natawang hirit niya.

“Any na ko (gender), okay na ko.”

Sa ngayon, patuloy pa rin daw siyang mapapanood sa “Sunday PinaSaya.” Pero magpapahinga na raw siya kapag kabuwanan na niya. Sa “Tadhana,” nagte-tape na raw sila ng mga advance episode.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy