Una sa Balita

Hindi napautang… lola sinakal ng apo

By
0 170

Kalaboso ang isang 24-anyos na lalaki dahil sa pananakit nito sa kanyang lola matapos magwala dahil hindi pinautang ng matanda, kahapon nang umaga sa Valenzuela City.

Sa isinumiteng ulat kay Northern Police District (NPD) Director Gregorio Lim, ipinagharap sa kasong maltreatment ang suspek na si Jordan dela Cruz, naninirahan sa No. 6122 Calle Onse, Brgy. Gen. T. De Leon ng nabanggit na lungsod.

Sa salaysay ng biktimang si Ester dela Cruz, biyuda, 73, naninirahan din sa nasabing lugar, bandang alas-otso nang umaga, kasalukuyan siyang nagluluto ng almusal sa kusina.

Nilapitan ni Jordan ang kanyang lola at hiniraman daw ng P1,500 suba­lit wala itong naipahiram.

Nainis ang suspek kaya pinilipit ang kamay ng matandang babae saka sinakal at pagkatapos ay galit na galit itong umalis.

Nagsumbong si Lola Ester sa iba niyang kaanak na dumeretso naman sa presinto at ipinahuli ang apong si Jordan.