Una sa Balita

Hindi nakapangalan ang land title

0 422

Dear Atty. Claire,
Good day po, tanong ko lang po. Ang bahay ko po ay natayo noong 2012, nabili ko po ang lupa 1200 sq.m. Ang bahay ko po ay 65sq.m.

Chineck ko po sa LRA ang status po ng lupa is closed, closing date is Oct.30,2012. Pero may binibigay po siya sa akin na resibo ng amil­yar since 2012 lang po kung kelan po ako nakapagpatayo.

Year 2012 below di po sila nakabayad ng amilyar. Mawawala po ba bahay ko pag ka ganoon or ano po ang puwedeng mangyari? At ano po puwede kong gawin for the safety of my property.

Yung titulo po ayaw pakita kesyo naanay, nawala. And pati po re­sibo ng amilyar parang ayaw pa ibigay. Sana po makapagmailback po kayo.

Salamat po, 
Genelyn

Ms. Genelyn,
Unang tanong ko ay kung  may hawak ka bang title ng lupa? Sino at anong ahensya ang yaw magpakita ng titulo mo? Dapat na ikaw at ang Registry of Deeds kung saan dapat nakarehistro ang lupa mo ay kanya-kanyang copy ng titulo ng lupa. Kung may hawak ka at ang RD ang hindi makapagpakita ng titulo ay humingi ka ng certificate na nawawala ang titulo mo at saka ka magsampa ng Petition for Reconstitution of Title.

Kung ang nagbenta naman ng lupa ang hindi makapagbigay ng titulo ay medyo problema iyan. Sa simula pa lamang ng bentahan ay dapat nakita mo na ang original na titulo at kapag nabayaran mo na ng buo at dapat  na ibigay na ang titulo sa iyo upang mailipat sa pangalan mo. 

Hindi mo rin naman maisasalin ang rights ng lupa at bahay kung hindi niya bayad ang amil­yar ng lupa. Dapat ay naibigay niya sa iyo ang Tax Clearance bago mo pa siya binayaran ng buo.

Tungkol naman sa amilyar o real pro­perty tax ay dapat na mabayaran mo siya upang hindi mapaso basta ng Local Government ang ari-arian na napundar.

I hope na mayroon kang buil­ding permit at lahat ng permit na kaila­ngan mo bago pinatayo ang bahay mo upang ma inspect ng engi­neering department ng local at maitala sa Office ng Treasurer at Assessor’s Office. Kung hindi mo ito nagawa ay makipag ugnayan muna sa Engi­neering Department at ayusin lahat ang kailangang papeles upang ma-inspect at maiayos na rin ang resistor ng bahay/building sa Office of the Assessor. Bayaran lahat ang amilyar mula 2012.

Ang nakikita ko lamang problema ay baka hindi pa nai­lipat sa pangalan mo ang lupa dahil hindi pa binibigay sa iyo ang kopya ng titulo. Bayaran din ang amilyar para sa lupa dahil iba ito sa amilyar sa building o improvement. 
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy