Una sa Balita

Hindi naimbita sa birthday, nanaksak

By
0 5

Kritikal ang ­dalawang lalaki kabilang na ang nagdiriwang ng kanyang kaarawan matapos pagsasaksakin ng nairitang suspek na umano’y hindi naman imbitado kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na Joel Ignacio habang kritikal pa rin sa pagamutan ang biktimang sina Orlan Bardaje at Arjay Alvarez, 18.

Sa report, naganap ang insidente bandang alas-7:30 kamakalawa ng gabi sa Pag-asa Compound, Barangay Kalawaan habang masayang nag-iinuman ang mga biktima dahil sa birthday si Bardaje kasama ang ilang kapitbahay at kaibigan.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Bardaje, bigla na lang lumapit si Ignacio sa kanila at biglang pinagsasaksak nang makailang ulit gamit ang icepick si Alvarez.

Nagawang awatin ni Bardaje ang suspek ngunit pati siya ay nasaksak din.

Naaresto naman ang suspek sa follow-up ope­ration ng pulisya.