Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hindi nagpapakatotoo sa sarili

0 144

DREAM CATCHER

Anong ibig sabihin ng panaginip na nakita ko ‘yung sarili ko na nagsuot ng sapatos na hindi naman daw kasya sa akin. Kahit daw sinabihan ako na hindi naman kasya sa akin ‘yung sapatos e dedma lang daw ako sa panaginip. Tapos noong sinuot ko na, dahil nga sa hindi siya fit sa paa ko e sumakit naman daw yung talampakan ko hanggang kalaunan e tinanggal ko lang din.

– Sally

Isa sa mga common na panaginip ang sapatos. Maaaring indikasyon ang panaginip na ito na may kailangan kang palitan sa buhay mo o kaya naman ay dapat ka nang magbago ng daan at diskarte sa pag-abot ng iyong pangarap.

Pwede rin itong maging simbolo ng iyong spiritual path, mga plano para sa future, at pag-unawa sa mga bagay sa iyong paligid. Sign din ito na may mangyayarong pagbabago sa iyong career, at mas malapit ito sa promotion.

Mahalaga rin sa interpretasyon ng panaginip na ito ang uri ng sapatos sa iyong nakitang suot mo sa panaginip. Kung ito ay sineaker, maaari itong mangahulugan na marami akng sikretong naitatago sa maraming tao, posibleng sinasabi nito na kaya mong magpalit ng personalidad depende sa taong kausap mo.

Kung ito naman ay ballet shoes sinasabi nito na kailangan mong balansehin ang lahat ng aspekto sa iyong buhay. Ipinapakita rin nito na masyado kang maiangat sa pakikisama mo sa ibang tao, kahit pa kung minsan nasasaktan ka sa iyong ginagawa.

Simbolo naman ng comfort ang sandals, habang ang tsineles ay nangangahulugan na ayos lang sa iyo na magkamali dahil mabilis kang makakaabante sa anumang hamon.

Kapag bago ang sapatos na nakita mo, sinasabi nito na magkakaroon ka ng pag-unlad sa buhay lalo na sa usaping pinansyal.

Pero kung madumi at sira na ang sapatos na nakita mo, nagbibigay naman ito ng babala na mapapalapit ka sa mga taong sikretong naiinggit sa iyo.

Nire-reveal naman ng panaginip mo kung saan maluwag ang sapatos na iyong suot, na hindi ka nagpapakatotoo sa iyong sarili kung minsan. Maaaring iba ang kinikilos mo sa mga bagay na iniisip at iyong pinaplano.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.