Una sa Balita

Hindi nagkamali ang Elite kay Parks –Alapag

0 583

TAMA ang desisyon ninyo!

Ito ang naging komento ni San Miguel-Alab Pilipinas head coach at San Miguel Beermen assistant coach Jimmy Alapag sa Blackwater Elite sa pagtapik kay Ray Parks, Jr. bilang No. 2 pick sa nagdaang 2018 PBA Annual Draft.

Ang tanong ngayon, iti-trade ba ng Elite o hindi si Parks?

“He’s one of the current best two-way players in the PBA,” kwento ni Alapag sa panayam ng CNN Philippines.

“No disrespect to other PBA players, but my experience with Ray from last season, his ability to defend and not just defend well, play multiple positions, and I think he’s always been a natural scorer, those combinations, I think with him being drafted by Blackwater I thought they drafted one of the best two-way players in the PBA today,” sabi pa ni Alapag patungkol sa multiple UAAP at ABL Most Valuable Player.

Ilang araw na ring umiikot ang balita na ba­lak ipamigay ng Elite si Parks sa Meralco Bolts sa pamamagitan ng three-team trade na kinasasangkutan din ni Baser Amer.

Kasalukuyang naglalaro pa rink ay Alapag si Parks sa Alab Pilipinas, na kasalukuyang may 4-0 marka sa ASEAN Basketball League.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy