Una sa Balita

Hindi na bata si Pacman para sa rematch – Arum

By
0 184

Sa katatapos lang na laban ni Manny Pacquiao kay Jeff Horn hati ang opinyon kung dapat bang magkaroon sila ng rematch.

Naging kontrobersyal muli ang pagkatalong ito ng Pambansang Kamao kaya marami rin ang umaasam sa muling paghaharap ng dalawa.

Gayunman, kahit ang 38 anyos na si Pacquiao ay aminadong may pagkukulang din sa laban.

“Dapat hindi ako nag-focus sa knockout. Masyado akong focused sa knockout eh,” ayon sa 11-time world champion.

Ayon naman sa kanyang promoter na si Bob Arum, handa siyang magkaroon ng rematch ang mga ito.

“If Manny wants a rematch I would do it. But I am not advocating a rematch, that’s up to Manny.” pag-amin ni Arum.  

Pero may sundot ang promoter sa estado ni Pacquiao.

“I mean, remember he’s not getting younger. Not now is not the time. Let a week go by and then people can talk intelligently about what he should do,” ayon pa sa kanya.

Si Pacquiao ay siyam na taong mas matanda sa former schoolteacher na si Horn.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy