Una sa Balita

Hindi na attractive kay mister (3)

0 674

Dear Dra. Holmes: (shortened March 11 letter)
I’m 28, married 4 years. The main problem is my husband’s weak sex drive.

He doesn’t seem that interested or aroused. Even when he is about to come, he is able to stop. He no longer finds me attractive, and yet I am beautiful and sexy.

He is only 29 years old so it’s impossible for him to no longer be interested in sex. This has been going on even before we got married. I am the one that does all the work so that something happens. No matter what he takes it has no effect. Yet he says he loves me. But how can he love me when he doesn’t like to make love to me? – Jenny

Dear Jenny:
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pi-nublish nang buo noong nakaraang Lunes, Marso 11. Sa huling kolum natin noong nakaraang Miyerkoles, Marso 13, sinabi ko na kapag ikaw ay walang pagnanasa para sa sinumang tao, babae o lalake, ang oryentasyong seksuwal mo ay asexuality. Eto ay hindi dahil hindi mo pa siya nakilala, hindi ka pa naka-“fall in love” at pag nagkakilala na kayo ay ikaw ay magkakaroon ng pagnanasa para sa kaniya. Ang asexual ay maaaring maaaring umibig sa iyo, at laging gusto na katabi mo siya sa buhay, at gagawin ang lahat para lumigaya ka. Ang asexual ay puwedeng magmahal ng asawa… at magmahal sa pinakamatindi at pinakamalalim na paraan. Ang hindi lamang niya kaya ay magkaroon ng pagnanasa (libog) para sa asawa niya.

Mayroong mga mag-asawa na ok sa ganitong situwasyon: Ang isa sa kanla ay heterosexual (may pagnanasa para sa opposite sex) o homosexual (may pagnanasa para sa same sex) at ang isa naman ay asexual (walang pagnanasa para sa lahat). Palagay ko, Jenny, ikaw ay kailangang pumili kung ok sa iyo na manatiling kasal sa asawa mong asexual. Sana sulatan mo na naman ako kung mayroon pa akong maipahintulot sa iyo. Ingat—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy