Una sa Balita

Hindi matitigil sa paglusot ng droga sa BOC

0 332

Kahit sino pa ang ilagay na pinuno ng Bureau of Customs (BOC) ay mahihirapang matigil ang sinasabing katiwalin.

Lalo na ang walang tigil na pagpapalusot ng bilyon bilyong piso na halaga ng shabu sa BOC.

Hangga’t walang nasasampolan na opisyal ng BOC ay hindi matitigil ang pagpupuslit ng droga.

Dapat ay mayroong managot, makulong o mapatay na opisyal ng BOC upang magsilbing babala sa mga tiwaling opisyal.

Kung ating matatandaan ay mismong si Pangu­long Duterte ay nagsabing nais niyang pamunuan ng taga Militar ang BOC at nagbiro pa nga ito na kung kinakailangan ay patayin ang mga tiwaling opisyal na mahuhuli.

Lahat tayo ay napabilib sa Pa­ngulo na ang buong akala nating lahat ay matatapos na ang katiwalian sa BOC.

Pero ayon mismo sa pinakahuling expose ni Senator Ping Lacson na maraming droga pa rin ang nakakalusot sa BOC dahil na rin sa katiwalian at kapalpakan ng mga opisyal ng BOC At Philippine Drug Enforcemeny Agency (PDEA).

Bukod sa mga opisyal ng BOC at PDEA ay panahon upang magsampol din sa mismong mga nagpaparating ng illegal drugs.

Kailangang may makulong na at kung maaaring may mapatay upang matigil na ang pagpapalusot ng illegal drugs sa bansa.

Paulit-ulit na lang ang eksena sa BOC at ang pinakamasaklap ay ang pangu­nahing adbokasiya ng Pangulo ay ang kampanya sa iligal na droga pero malabong masugpo ito dahil patuloy ang pagbaha ng shabu sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy