Una sa Balita

Hindi matagal ang paglilipat ng titulo

0 426

Dear Atty. Claire,
Hello po Attorney, magtatanong lang po ako about po sa deed of sale at titulo. Matagal po ba talaga makakuha nu’n?

Nakatapos na po ako magbayad last January sa hinulugan kong lote sa subdivision. Hanggang ngayon po ay wala pa po akong hawak na kahit anong documents.

‘Pag pina-follow up ko po sabi meron na daw po ‘yun titulo lilipat na lang sa pangalan ko.

Hinihintay lang daw po ‘yun ibang documents at deed of sale. Mag-10 months na po pero wala pa din po.

Ano po puwede kong gawin. Sana po ay makatugon po kayo sa problema ko. Salamat po. – Jonald

Mr. Jonald,
Ang pinakamabuting gawin ay kausapin mo ang seller ng property at itanong kung ano ang dahilan ng pagkaantala ng paglilipat ng titulo sa pangalan mo.

May mga pagkaka­taon kasi na ang deve­loper ay hindi kaagad pinoproseso ang pagbabayad ng tax at pag­lipat ng titulo dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

A. Maaring nakasang­la ang buong project nang hindi alam ng buyer;
B. Maaaring naipagsabay-sabay ng deve­loper ang pagproseso ng lahat ng mga titulo na nabayaran na nang buo;

Related Posts

C. Hindi pa nais magba­yad ng developer ng mga buwis na dapat bayaran.
Ang una mo na gawin ay suriin kung ang nabili mong ari-arian ay hindi nakasanla.

Alamin ang titulo nito mula sa HLURB na may sakop sa lugar na iyan.
Kapag nalaman mo ang detalye ng titulo ay ipasuri mo mula sa Register of Deeds na may sakop sa lugar kung may annotation ng encumbrance tulad ng sanla o Real Estate Mortgage.

Kapag nakasangla ito ay maaari mong ireklamo ang ginawa nilang panloloko sa iyo dahil obligasyon nilang sabihin ang estado ng lupa at ari-arian bago sila nagbenta sa iyo.

Maaari kang magsampa ng reclaim sa HLURB at ipawalang-bisa ang bentahan o hilingin na iproseso kaagad ang pag­lipat ng titulo sa pangalan mo.

Kapag nalaman mo na hindi pa rin bayad ang tax sa kanilang pagbebenta sa iyo ay maaari mo ring ireklamo sa BIR ang kakula­ngan nila.

Hindi kinakailangang matagal ang paglilipat ng titulo matapos na magbentahan dahil hindi naman matagal magbayad ng buwis sa BIR at hindi rin matagal kumilos ang mga taga-Register of Deeds.

Nasa developer ng ari-arian ang pagkukulang kadalasan.
***
Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy