Una sa Balita

Hindi makapag-abroad dahil sa VAWC

0 357

Dear Atty. Claire:

Kinasuhan po ako ng misis ko ng VAWC, economic abuse. Nagkaroon po kami ng hearing at nakahanda po ako na harapin ang mga susunod na pagdinig para patunayan na hindi totoo na hindi ako nagbibigay ng suporta.

Ako pa ang nagpapaaral sa mga bata at ako ang nagbabayad sa bahay… ang inaalala ko po ay magtatatlong buwan na ako sa Pilipinas at wala na akong pangtustos dahil sa VAWC na mukhang magtatagal pa, may hold departure pa po ako, nakatulong ba ang VAWC sa asawa ko o lalong lumala dahil wala na akong mabigay?

Maari bang matapos kaagad ang kaso para makaalis na ako at makapagsustento?

Salamat po.

Edward

Related Posts

Mr. Edward,

Ang batas na RA 9262 o Violation Against Wo­men and Children (VAWC) ay ginawa upang matugunan ang maraming pang-aabuso ng kalalakihan sa mga babaeng kanilang niligawan o nakarelasyon dahil sa paniniwalang ang kababaihan ay walang laban sa lakas ng kala­lakihan.

Ngunit sa aking palagay, bilang abogado, nakakatulong ito sa tunay na biktima pero marami ring kababaihan na ina­abuso ang batas na ito.
Kung may mga ebidensya ka ng pagsuporta bago ka nawalan ng trabaho ay maaari mong malusutan ang kaso.

Ipakita lamang ang mga dokumento ng pagsuporta sa pamilya at ipakita na ang dahilan ng paghinto ng pagbibigay ay ang kawalan mo sa ngayon ng trabaho at ang hindi pagbiyahe bilang OFW.

Dahil sa may Hold Departure Order ka ay mas mainam na sabihin sa abogado mo na mag-file ng Motion To Allow to Work Abroad kung saan ready kang magpiyansa nang doble o ayon sa utos ng korte. Sa motion na ito ay ipapakita ng lawyer mo ang panga­ngailangan na payagan kang magtrabaho sa ibang bansa na may kasamang contract mula sa iyong ahente o ang imbitasyon mula sa ahente ng pang-renew ng inyong contract. Kadalasan ay pumapayag ang korte na makalabas ng bansa ang akusado kapag may sapat na basehan at ito ay para sa mas magandang kapakanan ng lahat. Ipakita na kapag wala kang trabaho ay mas mahihirapan kang magsuporta. Ipangako rin na ang asawa at anak ang magiging allotee mo sa iyong kontrata.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 / 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy