Una sa Balita

Hindi maabot ang climax (8)

By
0 1,504

Dear Dra. Holmes: (Part 1 of shortened Dec. 14 letter)

I have a bf for more than 2 months now and we’re active in making love. We do it every time we see each other or 2-3x a week.

He had numerou­s gf before me so he is quite experienced in having sex and giving his girls their climax.

I had a bf before him for 12 years and as far as I can remember I only had 2-3 climax with him and one of that is thru playing with my genitals with his finger.

My current bf said na iba daw ako sa lahat ng girls because first, matagal ako mag-cum and lagi siya nauuna to reach climax and then di niya mahanap or makita G spot ko or minsan ‘pag nahi-hit niya nawawala rin daw.

He is very determined na dalhin ako sa climax but nadidisappoin­t siya kasi nauuna siya tas sobrang tagal ko pa din daw.

Di ko tuloy alam if my problem ba with me. Ako lang daw ang ganun… Di ko naman alam sinasabi niya kasi di naman ako ganun ka expert unlike him na madami ng alam.

— Clarissa

 

Dear Clarissa:

Maraming salama­t sa sulat mo na una nating­ pi-nublish noong nakaraang Huwebes, ika-14 ng Disyembre.

Sa huling­ kolum ko noong nakaraang Huwebes, Disyembre 28, sinabi ko na ang mga marunong magromansa ay hindi limitado lamang sa mga aksyong pisikal, pero alam nila na mas mahalaga, ang mga damdamin.

Ang napupukaw na mga damdamin ng partner mo sa iyo ay kabaligtaran ng mga damdaming nakakalibog­!

Ang mga reklamo niya ng walang tigil ay nagpa­pahina ng iyong pagtitiwala sa iyong sarili bilang isang epektibon­g kasintahan (lover). Walang dahilan (excuse!) para sa mga sinasabi niya sa iyo.

Para bang inu­unahan na niya kung aminin mo na bihira ka lang makarting sa langit. Para bang dina-down ka lang niya para mayroon siyang mabintang kung lumaba­s na napakabilis niyang labasan.

FINAL INSTALLMENT IN THE NEW YEAR

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes