Una sa Balita

Hindi maabot ang climax (6)

By
0 2,576

Dear Dra. Holmes: (Part 1 of shortened Dec. 14 letter)

I have a bf for more than 2 months now and we’re active in making love. We do it every time we see each other or 2-3x a week.

He had numerous gf before me so he is quite experienced in having sex and giving his girls their climax. I had a bf before him for 12 years and as far as I can remember I only had 2-3 climax with him and one of that is thru playing with my genitals with his finger.

My current bf said na iba daw ako sa lahat ng girls because first matagal ako mag-come and lage siya nauuna to reach climax and then ‘di niya mahanap or makita G-spot ko or minsan ‘pag nahi-hit niya nawawala rin daw. He is very determined na dalhin ako sa climax but nadi-disappoint siya kasi nauuna siya tapos sobrang tagal ko pa din daw.

‘Di ko tuloy alam if may problem ba with me. Ako lang daw ang ganu’n… ‘Di ko naman alam sinasabe niya kasi ‘di naman ako ganu’n ka-expert ­unlike him na ang dame nang alam. – Clarissa

Related Posts

Dear Clarissa:

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pi-nublish noong nakaraang Huwebes, ika-14 ng Disyembre.

Sa hu­ling kolum ko noong nakaraang Sabado, ­Disyembre 23, nagbigay ako ng mara­ming mga dahilan kung bakit ang isyu ay hindi dahil matagal kang maka-orgasm. Ang tunay na isyu ay ito: Palpak magromansa ang boyfriend mo.

Ang tinuturing kong romansa ay hindi lang ‘yung mga aksyon na ginagawa ng mga lalake – halimbawa, ang mga posisyon na kaya nilang gawin, o gaano katagal nila kayang hindi labasan kapag nasa loob na sila ng kanilang mga partner.

Totoo, mahahalaga rin ang mga ito, pero ang pinaka-mahalagang bagay sa pagroromansa ay ang damdamin o pakiramdam kapag nagsisiping kayo. Kasama doon ang mga damdamin niya, at mga ­damdamin na napupukaw (evoke?) niya sa iyo.

Una, alam natin na kapag nagsi­siping kayo, binibilang niya kung gaano ka kabilis (o, katagal) makara­ting sa langit. Hindi ‘yan ang mga iniisip at dinaramdam ng mga lalakeng ma­runong magromansa sa kanilang mga partner, Clarissa. Hindi ko ibig sabihin na kailangang magkunwari ang mga lalake na mahal ka nila. (TO BE ­CONTINUED)