Una sa Balita

Hindi maabot ang climax (5)

By
0 1,313

Dear Dra. Holmes: (Part 1 of shortened dec 14 letter)

I have a bf for more than 2 months now and we’re active in making love. We do it every time we see each other or 2-3x a week. He had numerous gf before me so he is quite experienced in having sex and giving his girls their climax. I had a bf before him for 12 years and as far as i can remember I only had 2-3 climax with him and one of that is thru playing with my genitals with his finger.

My current bf said n iba daw ako s lahat ng girls because first matagal ako mag come and lage sya nauuna to reach climax and then di nya mahanap or makita G spot ko or minsan pg nahihit nya nawawala rin daw. He is very determined na dalhin ako s climax but naddisappoint sya kc nauuna sya tas sobrng tagal kp din daw.

Diko tuloy alam if my problem ba with me. Ako lng daw ang ganun… Diko naman alam snsbe nya kc di naman ako ganun ka expert unlike him n ndme ng alam.

Clarissa

Dear Clarissa:

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pi-nublish noong nakaraang Huwebes, ika-14 ng Disyembre. Sa huling kolum ko noong nakaraang Huwebes, Disyembre 21, sinabi ko na ang mga sinasabi niya sa iyo ay hindi nagbibigay ng saya o sigla. At dahil pinapa-conscious ka niya sa iyong mga reaksyon habang nagsisiping kayo, siyempre, nawawalan ka na rin ng sarap sa mga ginagawa ninyo.

Sa katotohanan lang, dearest Clarissa, ang isyu ay hindi na matagal kang maka-orgasm.

Ang tunay na isyu ay ito: Palpak magromansa ang boyfriend mo.

Hindi ko sinasabi na kailangan siyang magsinungaling o ma­ging triathlete champion para masarapan siya. Ang kailangan lang niya ay maging tunay na boyfriend na nag-aalaga sa iyong mga damdamin at hindi lang inaalaga ang kaniyang ego.

Dahil ayaw niyang ‘mapagkamalan’ (o maging obvious) na mabilis siyang labasan, binibintang ka niyang mabagal mag-orgasm. Dahil hindi ka niya trinatrato bilang isang indibiduwal, nilalagay ka niya, at trinatrato ka niyang bilang isa sa mga girlfriend niya. TO BE CONTINUED