Una sa Balita

Hindi maabot ang climax (4)

By
0 888

Dear Dra. Holmes: (Part 1 of shortened Dec. 14 letter)

I have a bf for more than 2 months now and we’re active in making love. We do it every time we see each other or 2-3x a week.

He had numerous gf before me so he is quite experienced in having sex and giving his girls their climax.

I had a bf before him for 12 years and as far as I can remember I only had 2-3 climax with him and one of that is thru playing with my genitals with his finger.

My current bf said na iba daw ako sa lahat ng girls because first matagal ako mag-come and lage siya nauuna to reach climax and then ‘di niya mahanap or makita G-spot ko or minsan ‘pag nahi-hit niya nawawala rin daw. He is very determined na dalhin ako sa climax but nadi-­disappoint siya kasi nauuna siya tapos sobrang tagal ko pa din daw.

‘Di ko tuloy alam if may problem ba with me. Ako lang daw ang ganu’n… ‘Di ko naman alam sinasabe niya kasi ‘di naman ako ganu’n ka-expert unlike him na ang dame nang alam.

– Clarissa

 

Related Posts

Dear Clarissa:

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish noong nakaraang Huwebes, ika-14 ng Disyembre. Sa huling kolum ko noong nakaraang Martes, Disyembre 19, sinabi ko na marami siyang iba pang paraan para sabihin kung mayroon ba siyang magagawa para maka-orgasm ka.

Sa katotohanan lang, mayroon pang magsasabi na mali pa rin ‘yung halimbawang binigay ko sa taas. At kung hindi ako nagbigay ng halimba­wang ‘yan, baka sabihin ko na mali rin ito. Kaya lang, ayoko namang ipahatid na santo ang bf mo dahil para sa akin, may pagka-walang hiya nga siya.

SO, pinasok ko ang orgasm, dahil tila mahalaga ito sa kanya. Pero para sa karamihan ng babae, hindi kasing-­halaga ang orgasm ­kaysa sa alam nila na mahal sila ng partner nila, mabait ang partner sa kanila, nasisiyahan sila sa ginagawa ng partner nila sa kanila, at hindi sila na-pre-pressure dumating sa langit.

Ang pagsisiping ay walang silbi (maliban sa pagbubuntis) kundi saya at sarap. Ang mga salita ng boyfriend mo ay hindi nagbibigay ng saya o sarap sa iyo. Mawalang galang lang, ang mga salita niya ay hindi makakapagbigay ng siya o sarap sa kahit sinumang babae (ganyan siya ka-walang hiya)!

(TO BE CONTINUED)

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, ­Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmeso sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.