Una sa Balita

Hindi maabot ang climax (2)

By
0 508

Dear Dra. Holmes: (Part 1 of shortened Dec. 14 letter)

I have a bf for more than 2 months now and we’re active in making love. We do it every time we see each other or 2-3x a week. He had nume­rous gf before me so he is quite experienced in having sex and giving his girls their climax. I had a bf before him for 12 years and as far as I can remember I only had 2-3 climax with him and one of that is thru playing with my genitals with his finger.

My current bf said na iba daw ako sa lahat ng girls because first matagal ako mag-come and lage siya nauuna to reach climax and then ‘di niya mahanap or makita G-spot ko or minsan ‘pag nahi-hit niya nawawala rin daw. He is very determined na dalhin ako sa climax but nadi-disappoint siya kasi nauuna siya tapos sobrang tagal ko pa din daw.

‘Di ko tuloy alam if may problem ba with me. Ako lang daw ang ganu’n… ‘Di ko naman alam sinasabe niya kasi ‘di naman ako ganu’n ka-expert unlike him na ang dame nang alam. – Clarissa

Dear Clarissa:

Related Posts

Maraming salamat sa sulat mo. Kung nagtataka ka kung bakit may Part 1 ang sulat mo, ‘yan ay dahil napakarami pa akong masasabi sa buong sulat mo, kaya kailangang ihati natin ito sa dala­wang sulat. Napakayaman (so rich in detail) kasi ‘yung sulat mo at napaka-klaro sa ginagawa ng bf mo sa iyo at gusto ko sana “ma-gets” mo ito at “ma-gets” rin ng lahat ng nagbabasa nitong kolum na ito.

Ang una – at, sa aking opinyon, isa sa pinakamahalagang – masasabi ko ay na tila may pagka-walang hiya rin ang bf mo. Sana ok lang sa iyo na nasabi ko ito, sana na hindi masyadong bulgar (?) na gagamit ako ng mga salitang “pagka-walang hiya” sa paglarawan sa bf mo, pero wala talaga akong mahanap na ibang ilalarawan sa kanya kundi ito.

Ang ikalawa ay napakasamang sikolohista niya. Kung gusto ka niya talagang mag-climax nang “mabilis”, sobrang mali ang kanyang ginagamit na ­paraan.

Ang ikatlo ay ginagawa niyang parang kasalanan mo ang isang bahagi na pangkaraniwan lang (the natural state of affairs, very common) ng mara­ming babae. (TO BE ­CONTINUED)

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa ­Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.