Una sa Balita

Hindi lang minura! Claudine sinaktan ni Julia

By
0 840

Unti-unti nang kinukumpirma ang mga kwento sa nangyari sa lamay ng Barretto patriarch na si Miguel.

Sa panayam ni Claudine Barretto sa dzMM, sinabi nito na totoo ang unang napaulat na minura-mura siya ng kanyang pamangkin na si Julia.

Ngunit hindi lamang daw mura ang kanyang inabot, kundi maging pisikal na patama mula sa kanyang pamangkin na itinuring na niyang anak.

Napilitan umanong magsalita ni Claudine dahil sa pagtatanggi ni Julia na sangkot siya sa away nilang magkakapatid.

“Kaya I don’t understand iyong, ‘It’s not my battle,'” sey ni Clau. “It’s your battle cause you were the one who laid hands on the person you call ‘mama.’ It’s painful.”

Hindi na umano niya dapat uungkatin ang nasabing isyu, ngunit napuno na dahil sa naging panayam ng nanay ni Julia na si Marjorie sa TV Patrol.

“Ayaw ko na sanang ilabas ito . . . because whatever people say, my heart breaks kapag nasasaktan siya. Nasasaktan rin ako. Para akong nanay na nagtatampo at nagagalit,” aniya pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy