Una sa Balita

Hindi lang boobs ang malaki: Ivana Alawi malaki ang puso sa mahihirap, namigay ng mga pagkain sa mahihirap

0 1,248

Hindi lang boobs ang malaki kay Ivana Alawi. Yes, pinatunayan ni Ivana na hindi lang siya dapat pagpantasyahan dahil sa ganda ng kanyang mukha o dahil sa nakakaulol niyang alindog, kundi dahil na rin sa malaki, at mabuting puso niya.

Kung tutuusin, hindi pa naman talaga kalakihan ang kita ni Ivana sa showbiz. Konti pa lang naman ang mga proyektong nagawa niya, at hindi pa talaga siya yung bidang-bida talaga.

Pero, dahil alam naman ng lahat na malaki ang naitulong sa kanya ng YouTube channel niya, para humamig ng salapi, kaya naman sa panahon ng krisis, hindi siya nagdalawang isip na magbigay ng tulong.

Nababasa nga kasi niya ang kakapusan ng pagkain ng maraming Filipino. At `yon ang hindi masikmuran ni Ivana.

Makikita nga sa Instagram ni Ivana ang sako-sakong bigas, kahon-kahon na delatang sardinas, mga kape, biskwit, at may kasama pang mga prutas na magdamag nilang binalot para ipamigay sa mga nangangailangan.

“Pasensya na kayo sa itsura namin. Madaling araw na kami natapos mag-pack ng mga pagkain na ipapamigay namin sa mga kababayang nangangailangan ng tulong. I am encouraging everybody to help. Maliit man yan o malaki, ang importante ay tumulong tayo,” sabi ni Ivana.

Well, sana ay dumami pa ang mga Ivana sa showbiz. At sana ay lalo pang lumaki ang kita ni Ivana para mas makatulong siya sa mas marami. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More