Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hindi ko keri!’ Vice mamamatay pag natsugi ‘Showtime’

0 378

Biglang-bigla naging emotional si Vice Ganda sa ‘It’s Showtime’ at `yon ay dahil lang sa napag-usapan nila ni Kim Chiu na biglang nagkaroon ng plot twist sa buhay nila.

Si Kim kasi, sinabi na ayaw niyang mangyari na magising na lang siya na ang buhay niya ay `yung noon pa rin, na nakikitira lang siya sa bahay ng lola niya at pinalalayas pa sila ng tito niya, na hindi totoong artista siya o nanalo sa Pinoy Big Brother.

Si Vice naman, nasabi na ayaw niyang plot `yung sasabihin sa kanya na matsutsugi na ang ‘Showtime’ o last day na niya sa show.

“Ang ayoko maging plot twist yung sasabihing…last day na ng Showtime. Teka lang muna, for me no ‘di ko talaga keri, hindi ko kekerehin hindi ko alam kung paano ko yun idi-deal,” bungad na chika ni Vice.

Bigla ngang bumalik sa ala-ala ni Vice ang naranasan sa mga kuko ng Eat Bulaga dahil sa AlDub (Maine Mendoza at Alden Richards) noong 2015, na kung saan ay nilampaso talaga sila nang husto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nangyari na ‘to sa amin dati ‘eh, ako talaga hinanda ko na yung sarili ko na feeling ko talaga tatanggalin kami, nung panahon ng AlDub prangkahan na nung panahon ng AlDub feeling ko wala nang nanonood ng ‘Showtime’, parang buong Pilipinas nakatutok sa AlDub.

“Tapos parang ang laking kasalanan pag fan ka ng Showtime, ang laking kasalanan pag nanonood ka ng Showtime, parang nag-aaway-away ‘yung mga tao sa social media na parang hindi ka dapat nanonood ng Showtime, dapat lahat tayo nakatutok lang sa AlDub.

“Tapos ang baba-baba na ng ratings ng Showtime, tapos ako laban na laban pa rin ako, pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako tinanggap ko na feeling ko anytime soon tatawagan ako ng management tapos sasabihin, ‘we are cancelling the show’.

“Tanggap ko yun, tapos hindi nangyari hindi ginawa ng ABS-CBN, hindi ako nilaglag hindi nilaglag ‘yung show kaya sabi ko talaga ‘yun ang pinanghahawakan ko eh, magkamatayan na hindi ko iiwanan tong ABS-CBN ngayon kasi nung nangyari to sa buhay ko noon hindi ako iniwanan ng ABS eh.

“Lahat kaming mga host, isama na natin ‘yung direktor namin… Di yan iniwan ng ABS nung mukha na kaming kawawa at halos patay na kami. Kaya ngayon na nangyayari ‘to sa ABS, hindi rin kita iiwanan katulad ng hindi mo pang iiwan mo sa akin noon,” ang madamdaming pahayag ni Vice.

Madalas sabihin ni Vice na kapag nawala na ang Showtime, baka `yun na ang simula ng paghina ng kanyang katawan, na posibleng mauwi sa pagkamatay dahil sa lungkot. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.