Una sa Balita

Hindi ko kailangan ng lalaki — Angelica

0 248

Tinuldukan na nga ni Angelica Panganiban ang anumang naging kaugnayan niya sa aktor na si Carlo Aquino.

Sa naging contract renewal ni Angelica sa ABS-CBN, tinanong siya tungkol sa pinost na sagot ni Carlo tungkol sa naging issue nila sa Instagram account nito kamakailan. Inako nga ni Carlo ang lahat ng nangyaring hindi maganda sa kanila ni Angelica at nakiusap na tigilan na ng bashers ang kanyang non-showbiz girlfriend.

“Matagal ko nang hinintay ‘yung explanation niya, sana matagal na niyang ginawa.”

Anyway, nagbalik na sa pakikipag-date ulit si Angelica. Pero wala pa siyang balak na makipagrelasyon sa ngayon.

“Matagal naman na ako nakikipag-date. Wala lang tumatagal. Bakit, trial and error ‘yun no? So nag-e-entertain naman ako, matagal na.

“Parang hindi lang ako interesado. Hindi kasi siya ang priori-ty ng life ko.

“Pagtapos na rin ng mga panahon, hindi na rin siya ‘yung end all and be all ng lahat. ‘Yung paggising mo, lalaki kaagad. Hindi ko lang hinahanap. Hindi ko kaila-ngan,” diin niya.

Enjoy raw si Angelica sa pakikipagrelasyon muna sa sarili niya.

“Sobrang masarap i-enjoy ‘yung relationship with yourself lalo na kapag na-discover mo kung ano talaga ang gusto mo, kung saan ka sasaya. Doon papasok ‘yung hindi mo pala talaga kailangan ng ibang tao para lumigaya ka.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy