Una sa Balita

“Hindi ko boyfriend si Rayver!” – Janine Gutierrez

By
0 21

Kahapon ay tuluyan na ngang pumirma ng kontrata si Janine Gutierrez kay Leo Dominguez, bilang manager niya. Hindi nga nga si Lotlot de Leon, at GMA Artist Center ang magma-manage sa career ni Janine.

At agad din nilang nilinaw na nakikipag-negotiation sila sa GMA Network, na siyang mother studio naman talaga ni Janine simula noon pa man. May mga tsika nga na pipirma siya ng kontrata sa ABS CBN 2.

“Para matapos na ang usap-usapa, may negotiation na po with GMA,” sey ni Janine.

Anyway, isa rin sa tinanong kay Janine ay ang tungkol sa ‘relasyon’ nila ni Rayver Cruz.

Very visible nga silang dalawa sa mga events, dinner dates, at kamakailan ay nag-Bali, Indonesia pa sila.

“Thank you for that wonderful question…” feeling beauty queen na tsika ni Janine.

“Pero, career pa po muna talaga ang pinaka-focus ko ngayon. Pero happy ako…” sabi niya.

Madalas nga raw si Rayver sa restaurant na pag-aari ng mommy niyang si Lotlot?

“Opo, kasi matagal na po silang close. Saka taga-doon po sila sa South, eh. So dumadaan po siya.”

Kinilatis na nga ba si Rayver ng Mama mo?

“Hindi naman po. Matagal na silang magkakilala talaga. And magkaibigan po talaga sila. Even before pa po.”

So, ano ba talaga? Boyfriend mo ba o hindi?
“Hindi po. Hindi po talaga.

“Close lang po talaga kami. Lumalabas-labas kami kapag may time. Busy rin siya sa trabaho. Pero, enjoy naman po kami,” tsika pa ni Janine.

Well, mukhang sa relasyon din naman papunta ang samahan nila ni Rayver. At lahat naman ng mga tao sa paligid nila, aprub sa kung ano ang meron sila.

Heart at Valeen, nagkabugan ng alindog

First time nga na ginawa ni Heart Evangelista na magpakita ng kaseksihan sa TV at ang My Korean Jagiya lang ang nakapagpagawa sa kanya nito.

Kinabog niya si Valeen Montenegro sa kanyang swimsuit kaya inabangan talaga ang eksenang ‘yon kagabi ng mga fans nila.

Pero siyempre, hindi naman pumayag ang mga followers ni Valeen, dahil para sa kanila, winner pa rin ang idol nila kung alindog ang pag-uusapan.

Anyway, balita rin na natulala si Alexander Lee sa kaseksihan ni Heart, ha! Hindi nga niya ini-expect na may ganung personalidad si Heart, na kayang-kayang magpakita ng kaseksihan.

Kapag kaharap daw kasi niya si Heart, parang prim and proper lagi, at mukhang mahinhin na mahiyain. Pero, `yun na nga, pasabog din pala pagdating sa kaseksihan.