Una sa Balita

“Hindi ko boyfriend si Jake Vargas!” — Inah de Belen

By
0 209

Pagkatapos ng Oh, My Mama ay pahinga raw muna si Inah de Belen sa paggawa ng mabigat na drama sa TV dahil nasagad daw siya sa unang pagbida niya.

“I need to recharge muna. Kaya this December, ta­lagang break ko ito.

“Hindi po biro ang almost every taping namin ay umiiyak ako at parating intense ang mga eksena namin.

“I now realize how hard it is to really act tulad nang ginagawa ng mommy (Janice de Belen) and daddy (John Estrada). Mas mahal ko na ang trabahong ito ngayon,” diin pa ni Inah.

Next year ay hinahanda na ang susunod na teleserye ni Inah, pero magiging abala rin siya sa promotion ng MMFF official entry na Die Beautiful. Anak ni Paolo Ballesteros ang role ni Inah.

“I have a very small role in the movie. But at the scene I am in one of the touching scenes in the whole film. Noong nabasa ko ang buong script, naiyak ako. I want to be part of this movie kahit na guest role lang.”

Tungkol naman sa kanila ni Jake Vargas, nasa getting-to-know stage pa lang daw sila.

“Naging very close kami ni Jake while doing Oh, My Mama. He’s a very charming person.

Pero siyempre, I want to know him more.

“Hindi naman po siya nanliligaw pa. He knows na mas priority ko ang trabaho. He understands naman.”

Nilinaw ni Inah na hindi pa sila ni Jake.

“Natatawa lang ako sa mga lumabas na kami na raw. No it’s not true. We’re good friends. Hanggang doon po muna,” sabi pa ni Inah.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More