Una sa Balita

Hindi kinaya ni Matthysse ang suntok ko – Pacquiao

By
0 2,087

HINDI umano dapat i-underestimate ang katulad ni Argentinian boxer Lucas Matthysse, ayon kay Filipino bo­xing legend na si Senador Manny Pacquiao.

“Matthysse has po­wer also. It’s [He’s] an opponent you can’t underestimate especially when he threw his wild punches. I cannot underestimate him… I’m not in hurry, just (be) patient and take time,” saad ni Pacquiao.

Sa simula aniya ng kanilang laban, nararamdaman na niyang kaya niyang talunin si Matthysse.

“From the first round… I know he couldn’t handle my punches, my power,” pag-amin ni Pacquiao.

Sa kabuuhan ng laban, ipinakita ni Pacquiao ang kanyang iba’t ibang galaw, kasama na ang bilis at pagi­ging agresibo hanggang sa makitaan ng butas at pabagsakin si Matthysse ng tatlong beses.

Unang pinayuko ni Pacquiao si Matthysse sa ikatlong round, pinaluhod sa ikalima hanggang sa pasukuin sa ikapitong round bunsod ng malakas na uppercut.