Una sa Balita

Hindi kaya ng konsensya ko — Congw. Vi

0 50

Handa si Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto na maalis sa kanyang pinamumunuang komite sa Kamara, dahil sa kanyang pagbotong ‘no’ sa Death Penalty bill na nakatukod sa katwirang hindi kaya ng kanyang konsensya na kumitil ng buhay.

Ayon sa actress-turned-politician na kasalukuyang chairman ng House committee on civil service and professional regulation, nirerespeto niya si House Speaker Pantaleon Alvarez at ang mga panuntunan nito na umiiral sa kapulungan. Hindi umano ibig sabihin na kontra siya sa bitay ay kaaway na siya ng pamahalaan.

Bagama’t naniniwala ang mambabatas na dapat na managot sa batas ang mga kriminal, marapat din umanong bigyan ang mga ito ng tsansa para sa rehabilitasyon, reformation at reintegration.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy