Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hindi kasi pinagbigyan’: Ivana winawasak ng prodyuser

0 285

Hindi na namin makita ang post ng isang netizen na diumano’y kaibigan ng isang producer na kumuha kay Ivana Alawi sa isang raket o show.

Either dinilete, hide o restricted niya ang kanyang profile.

Nagra-rant ito at tinatawag na “maarte” si Ivana. May mga post pa ito na kesyo hindi raw totoong mabait sa personal.

Nang mapag-alaman namin, ang nagra-rant at naninira sa social media kay Ivana ang may malaking problema. May gusto raw yatang mangyari ang producer na hindi napagbigyan dahil unang-una, pandemic at may mga protocol dapat na nasusunod dahil nga sa COVID-19.

Ang manager ni Ivana ang hindi nakatiis na nag-post at sinagot ang naninira sa kanyang alaga. Sabi ni Perry ng PPl Entertainment, Inc, “Paano naging maarte? In what way? Dahil hindi ka napagbigyan sa gusto mo? Dahil may pinapagawa kay Ivana na hindi ginawa kase wala naman sa pinagkasunduang agreement. Elaborate on this matter. Nang masagot ka namin.”

Kung babasahin ang mga comment, tila walang naniwala o kumampi sa diumano’y kaibigan ng produ. Nandiyang tama lang daw si Ivana na nagsabi rito na mag-face mask na sa panahon ngayon, hindi na nga dapat pinapaalala, isang bagay na “batas” na magsuot ng face mask.

At sey rin ng iba pang comment, “Marami kaming nagmamahal kay Ivana. Walang maniniwala sa paninira mo.”

“Nakapagpa-pic na nga. Anong maarte? Sobrang bait ng tao. Gustong sumikat, ginagamit si Ivana.”

No wonder, hindi na mabasa ang post nito ngayon.

‘Hala mahirap sagutin ‘yan’: John Lloyd nataranta sa ‘relasyon’ kay Bea

Sa haba at halos lahat naman ay sinagot ni John Lloyd Cruz ang mga tanong na binato ni Karen Davila sa kanyang podcast, isa sa talagang nilinaw ni Karen sa actor ay ang totoong naging relasyon o namagitan sa kanila ng ka-loveteam na si Bea Alonzo.

Naging sila raw ba talaga, nag-date ba sila?

“Hala, hala,” reaksiyon ni John Lloyd.

“I don’t know, parang mahirap yatang sagutin ‘yun. Totoo naman, yes or no. But because I respect her and she’s been good to me and to my family also, mahirap, e.

“May mga tanong talaga na I wish, kayang sagutin ng yes or no.”

Hindi naman itinanggi ni John Lloyd na may special friendship o relationship sa pagitan nila ni Bea na ngayon ay open na sa relasyon kay Dominic Roque.

Ayon kay John Lloyd, “Siyempre, si Bea siya sa buhay ko. It would be hard to change that. Kung kami o hindi, hindi naging kami. If we dated, mahirap e, mahirap sagutin… probably.”

Napa- “wow, talaga, umabot tayo diyan?” si John Lloyd nang diretsuhin siyang tanungin kung si Bea ang TOTGA niya, meaning, ‘the one that got away?’

“Natatakot akong i-label kung ano ang totoo between me and Bea.”

Sa isang banda, walang-duda na a movie again with Bea ang isa sa gusto niyang magawang muli. Sana nga raw matuloy ang mga talks o nababalitang pelikula na pagsasamahan nilang muli.

Leave A Reply

Your email address will not be published.