Una sa Balita

Hindi kami titiklop — VP Robredo

By
0 1,003

President Leni Robredo na hindi sila aatras at tatahimik na lamang sa nakikitang pagkilos ng pamahalaan na sa kanilang tingin ay hindi tama at layon lamang na patahimikin ang mga kumokontra sa administrasyon.

Ipinahayag ito ni Robredo kaalinsunod na rin sa desisyon ng Palasyo na ideklarang void ang amnestiyang binigay kay Senator Antonio Trillanes IV.

Una nang sinabi ni Robredo na malinaw na ang ginawa kay Trillanes ay para lamang patahimikin ito.

Ngunit ayon sa Pa­ngalawang pangulo, hindi sila maaring umatras o magpadala sa ginagawa na ito ng pamahalaan sa grupo ng oposisyon sa halip lalo pa umano nila paigtingin hindi lamang ang boses ng oposisyon kundi boses ng ordinaryong Filipino.

“Kapag sinusubukan na isilensyo iyong mga kumokontra, hindi po iyon epektibo kasi lalo naming papaigtingin iyong aming mga boses, lalo kaming magkakaisa, para siguraduhin lang na iyong boses – hindi lang namin, pero iyong boses ng ordinaryong Filipino – ay napapaabot,” ayon kay Robredo.

Kasabay nito, tiniyak pa ni Robredo na suportado nila si Trillanes kasabay ng muling pagkondena nito sa ginawa ng administrasyon sa senador.

“Sinabi namin kay Senator Trillanes na alam namin na hindi ito tama. Nakikiisa kami sa kanya. Basta sa tama, parati tayong nakikiisa – at gagawin natin iyong lahat para hindi patuloy iyong ganitong uri ng pagpapahirap para lang isilensyo iyong ating mga gustong sabihin,” ayon kay Robredo.

Binigyan diin ni Robredo ang kahalagahan na pagpapahayag ng saloobin at opinyon sa iba’t ibang isyu bilang bahagi ng demokrasya upang masigurong balanse at walang maa­ring mangyaring pang abuso.