Una sa Balita

Hindi kami pamilya ng magnanakaw — Kris

0 474

Muling bumuwelta si Kris Aquino sa isa niyang basher na nag-akusang ginamit niya ang pera ng sambayanang Pilipino para sa tinatamasa niyang karangyaan ngayon.

Nakabalandra sa Instagram ni Kris ang comment ng isang may username na @sickie9 na nagsasabing nagpakasasa sa pera ng bayan si Kris kaya maunlad ang buhay nito.

Tinawag niyang pamilya ng magna­nakaw sina Kris. Kasama ng comment ang sagot ni Kris sa basher at inamin niyang pera ng mga Pilipino ang ipinambili sa mga produktong iniendorso niya, ang panoorin maging ang mga pelikulang pinagbidahan at prinodyus niyang movie project.

Sey pa, hard work ang ipinuhunan niya kaya maunlad ang buhay niya sa kasalukuyan, at hindi ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan.

Nagbiro pa ito sa comment niyang “huwag mong burahin ang pang-miss universe na sagot ko.

Sa caption muling binanggit ni Kris na hindi sila pamilya ng magnanakaw, at ang maraming taon niyang pagbabayad ng buwis sa BIR ang pruweba.

Ayon pa sa kanya, hindi niya gugustuhing isa-isahing banggitin ang lahat ng mga naitulong niya o natulungan niya at baka lumabas pa siyang epal sa paningin ng iba. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More