Una sa Balita

Hindi kami nagbugbugan ni Romnick! — Harlene

0 965

abante-i-know-better-jun-nardoMaaliwalas na ang mukha ni ­Harlene Bautista nang sumama sa filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng Kuya Hero (Bautista) niya sa Comelec sa ­Barangay Sto. Cristo, QC, nu’ng Lunes ng hapon. Reelectionist para sa konsehal ng 4th district ng siyudad si Hero sa ilalim ng tatakbong QC mayor na si Joy Belmonte at running mate niyang si Konsehal Gian Sotto.

“Masaya ako ngayon! Nandito ako para suporta­han ang Kuya ko at hindi ako ang magpa-file ng COC ko!” bulalas ni Harlene.

Nitong nakaraang mga linggo, sumabog ang balitang hiwalay na si Harlene sa asawa niyang si Romnick Sarmenta matapos ang halos 20 years na pagsasama. Maraming nagulat sa resulta ng relasyon nila dahil walang lumabas na balita na may gulong nangyayari sa pagiging mag-asawa nila.

Abante Hiring – IT dep

“Para kasing fairy tale ang relasyon namin. Walang bugbugan kaya nakakabigla talaga. Even our close friends, nabigla rin sila because hindi naman talaga kami nagbugbugan. Walang away,” ­rason ni Harlene nang makausap ng press.

Ayon sa nag-iisang kapatid na babae nina QC Mayor Herbert at Hero, “Ang pagmamahal, I guess, is nag-iiba. Hindi nawawala. Nag-iiba. Hindi ako expert. Meron lang akong napagdaanan.

“So ‘yun ang masasabi ko base sa napagdaanan ko. Minsan nawawala, nag-iiba. Nag-iibang level. Nag-iibang direksyon. Ganoon.

“Kasi mahal ko naman siya dahil siya ang tatay ng mga anak ko. Dahil magkaibigan kami. Meron kaming pinagsamahan.”

Annulment nina Romnick, Harlene inaayos na

 

Paano tinanggap ni Romnick ang desisyon? ­Nagulat ba siya?

“Hindi ko alam. Tanungin niyo siya kung nagulat siya! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Harlene.

So magmamahal ba siyang muli?

“Oo! Mabilis ‘yon. Mabilis ang sagot ko! Ha! Ha! Ha!” sey niya.

“Kasi naman ‘yon, sinabi ko sa kanya. Gusto ko may makasama ako sa buhay. Gusto ko ikaw rin, sabi ko sa kanya,” sey ni Harlene.

May plano ba siyang magpa-annul ng kasal nila?

“Basta inaayos namin ang lahat na dapat ­ayusin!” sagot ni Harlene.

Ipinagdiinan niyang magkaibigan pa rin sila ni Romnick.

“‘Yun na ang tingin ko sa kanya,” deklara ni ­Harlene.

Ano ang reaksyon ng mga anak nila?

“Nasasaktan sila. Nalilito. Naguguluhan. Pero matagal na nilang alam. Siyempre, kinausap namin individually. Dasal lang pero definitely, isang araw, maaayos ding lahat,” katwiran pa ni Harlene.

Anyway, bukod sa pagiging ina sa mga anak eh, may mahaba na siyang oras para tutukan ang kanyang showbiz career. ‘Yung dinirek niyang short film ay naipalabas sa isang festival sa New York City at ang pelikulang “Rainbow’s Sunset” na produced ng Heaven’s Best Entertainment ay isa sa entries nga­yong Metro Manila Film Festival.