Una sa Balita

‘Hindi Ka Magtatagal’

By
0 9

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa pag-iimbestiga ng Office of the Ombudsman kaugnay sa bintang ni Sen. Antonio Trillanes IV na umano’y may mga tagong yaman siya sa bangko.

Sinabi ng Pangulo na hindi na bago sa kanya ang mga imbestigasyon dahil noon pa ay naim­bestigahan na rin siya ng Ombudsman kaya’t malaya sila na gawin ang kanilang mandato.

Binigyan pa ni Pa­ngulong Duterte ng go signal ang Ombudsman para hanapin ang sinasabing P211 million niya sa bangko at kapag nakita ay hahatian niya pa ang mga ito.
Pero kapag wala aniyang makita laban sa kanya ay ang Ombudsman naman ang bubuweltahan at kakasuhan ng Pangulo.

“The Ombudsman has investigated me ever since. Hindi nahinto ‘yan. Okay lang sa akin ‘yan. Nasa gobyerno kami. Pero sabi ko nga, kung may — kayong mga Ombudsman, hanapin ninyo ‘yan.

Kasi kung makuha ninyo ‘yang 211 million, maghati tayo. Ibigay ko sa inyo. Tapos magdemanda kayo ng kaso. Walang problema ‘yan. Pero go ahead and try to find the truth.

Ngayon, kung sigehan ninyo ng imbestiga, there will come a time where I will investigate you also. And I will investigate you as President of the — not with you. I have investigating powers. Then I will also cause the records to be opened, all,” pahayag ng Pangulo.

Pero ipinaalala ng Pangulo na huwag din kalimutan ang kaso ni Trillanes dahil kapag hindi aniya kumilos ang tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay ibang usapan na dahil malinaw na pamumulitika lang ito.

Matatandaang iniha­yag ni Pangulong Duterte na may problema rin si Trillanes kung paano nito ginamit ang pondo ng kanyang Disbursement Acceleration Program (DAP) kaya’t hindi dapat na balewalain ito ng Ombudsman dahil galing sa taumbayan ang perang ginamit sa DAP.

Tila nagbabala pa ang Pangulo kay Morales na hindi na ito magtatagal sa Office of the Ombudsman dahil sa mga pabor na ginawa nito sa mga kaalyado ng Liberal Party.

“Pero ‘yung kay Trillanes, huwag niyo rin ‘yun kalimutan. Kasi ‘pag hindi, eh ibang istorya na ‘yan. Namumulitika.

Kasi dito, ‘yung the last victim was I think Gringo (Sen. Gregorio Honasan). Wala namang Liberal nakita ko na puro naman sila may DAP cases.

Bakit ‘yung mga Liberal — are you beholden to the Liberals? Because ang Ombudsman, si Morales ay appointed by the ­Liberals. Do not protect them because they are public records. You will not stay there long,” sabi pa ni Pangulong Duterte.