Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hindi hinulaan! Mga bill base sa actual reading – Meralco

0 620

Itinanggi ng Meralco ang bintang na hinulaan lamang nila ang bill ng kanilang mga customer.

Paliwanag ng Meralco, ang mga bill na natanggap ng customer noong Mayo at Hunyo ay ayon sa aktwal na konsumo at ang basehan ay ang datos na nakukuha ng mga meter reader sa metro ng mga customer.

Paliwanag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, “Kung maalala po natin, noong panahon ng lockdown, hindi naging posible para sa aming mga meter reader ang magbahay-bahay para basahan ang metro ng mga customer. Ito ay nagresulta sa pansamantalang pag-estimate ng konsumo ng customers for March and April. Ngayong May and June ay nakapaglabas na kami ng bill based on actual reading. Sa madaling salita, naitama na yung bills ng customers dahil naireflect na namin ang kanilang actual consumption during the lockdown period.”

Dagdag pa ng Zaldarriaga na pinapayagan sa batas sa ilalim ng Distribution Services and Open Access Rules ang kanilang ginawang estimation ng konsumo ng customer. Hindi lamang Meralco ang gumawa ng ganito dahil ito rin ay ipinatupad ng iba pang mga electric cooperative. Subalit matapos mabasa ng Meralco ang metro ng lahat ng konsyumer ay ang aktwal na konsumo na ang nakasaad sa bill.

“Ang babayaran lang ng konsyumer ay yung kanyang aktwal na konsumo walang labis walang kulang batay aa rehistro ng metro”, diin ni Zaldarriaga.

Hinda raw nagkulang sa paliwanag ang Meralco ukol sa isyung ito at iginiit na walang disconnection o pagpuputol ng serbisyo ng kuryente upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga konsyumer na makabawi mula sa epekto ng pandemya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.