Una sa Balita

Hindi drug lord ang boyfriend ko — Aiko

By
0 973

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyInaakusahang may skin disease si Aiko Melendez kasabay ng akusasyon din sa kanyang kasintahang si Zambales Mayor Jay Khonghun, ng mga kalaban nito sa politika.

Sa Instaram live ni Aiko nu’ng Miyerkoles (March 13), naglahad ng kanilang sentim­yento ang magkasintahan sa paninira sa kanila ng mga kalaban. Dito sinabi ni Mayor Jay na may balitang kasama ang pangalan niya at pangalan ng kanyang amang kongresista sa listahan ng mga drug lord at pusher sa Zambales.

Mariing pinabulaanan ni Mayor ang balitang sangkot ang kanyang pamilya sa ma­lakihang droga sa kanilang nasasakupan. Hindi pa nakikita ni Mayor ang pruweba o ang listahan, pero inunahan na niya ang pagpapasinungaling sa balita para malinawan ang mga mamamayan ng Zambales sa isyu.

Sa parte naman ni Aiko, “freckles” at hindi cancer ang nakikita sa kanyang balat. Alam naman ng buong showbiz ang tungkol dito dahil nagdadalaga pa lang si Aiko, nandoon na ang mga freckles/pekas sa buo niyang katawan.

Itinataya ni Aiko ang kanyang maba­ngong pangalan sa showbiz sa loob ng 30 years na pag-artista, para manindigang malinis sa droga ang kasintahang si Jay. Isang “babae” ang pinatutungkulan ni Aiko na sumisira sa pangalan ni Jay.
Nanawagan itong idaan na lang sa malinis na paraan ang pangangampya at huwag manira ng ibang tao.

 

Matindi ang galit kay Marjorie?
Claudine dinedma ang b-day ni Julia

May hidwaan nga talaga ang magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto, kung ang pagbabasehan ay ang mga hindi pagdalo o kawalan ng partisipasyon ng una sa mga mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya.

Sa nakaraang 22nd birthday ni Julia Barretto na anak ni Marjorie, wala ang anino ni Claudine.

Malapit si Claudine sa lahat ng kanyang mga pamangkin, at isa sa mga itinuturing niyang anak ay ang mga supling ni Marjorie.

Sa burol ng kanilang yaya na si Naning, wala rin ang anino ni Claudine sa posting ni Marjorie ng pagsasama nila ng iba pa niyang mga kapatid, gaya ng pagdating mula sa Amerika ng ate niyang si Gia.

Wala si Claudine habang kinakantahan ng happy birthday si Gia sa mismong wake. Ang kakampi ngayon ni Claudine ay ang kanyang Ate Gretchen na nakaaway niya noon.

Panay ang sabi ni Claudine sa kanyang mga Instagram posts na “mahal na mahal niya” ang kanyang ate, at puring-puri niya ito sa pag-aalaga sa kanya.

Kung anuman ang pinag-ugatan ng away nina Marjorie at Claudine, ang magkapatid na ang nakakaalam.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy