Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hindi alam na inggitera

0 73

Nakita ko sa panaginip ko na nasa isang gubat daw ako, hindi ko sigurado kung sa bundok o sa city lang din na may mga puno pero kasi parang gubat sa dami ng puno. Nakipag-meet daw ako sa isa kong kaibigan doon. Pero habang naglalakad ako nakakita ako ng tiger na tumatakbo papunta sa akin. Sinubukan kong tumakbo pero nahabol niya pa rin ako. Kinagat daw ako nung tiger pero hindi sobrang lalim, parang kagat lang ng pusa dahil sa konti lang ‘yung dugo na nakita ko sa palad ko. Iniwan lang daw ako ng tiger noong may dumaan naman na elepante tapos ‘yon na ‘yung hinabol niya.

  • Pilo

Sumisimbolo ang paglalakad sa kagubatan na sinusubukan mong kapitan ang isang bagay o emosyon na matagal nang nawala. Maaaring pinapakita ng subconscious mind mo na nakakaramdam ka ngayon ng walang kasiguraduhan at pagka-insecure.

Ang kagubatan naman sa panaginip ay nangangahulugan na papasok na ang iyong kaluluwa patungo sa lugar na hindi mo pa nae-explore noon. Mahalga na alam mo kung saan ka patungo para mapili mo ang tamang daan patungo sa gusto mong klase ng buhay.

Nasa stage ka ngayon kung saan sinusubukan mong hanapan ng solusyon ang isang problema. Isang susi ito para maging mas wais ka at maharap ang iba’t ibang uri ng siwasyon na makakaharap mo.

May kinalaman din ito sa business affairs o mga deal na ginagawa mo ngayon. Kung nakakita ka rin ng maraming puno o halaman, nangangahulugan ito na lalapitan ka ng tagumpay at kasiyahan sa anumang negosyo na pasukin mo sa hinaharap.

Ang tiger naman sa panaginip mo ay nagpapakita ng union ng iyong feminine at masculine side. Ibig sabihin nito, naka-tune ka sa iyong paligid at maaari rin na panahon na para magpalit ka ng career.

Maaari rin na inaakala mong nasa punto ka ngayon na malakas ka at ang lahat ng aspekto ng buhay mo ay perpekto at walang problema, pero dahil kinagat ka ng hayop na ito, nangangahulugan na nakakaramdam ka ng inggit sa iba.

Posible rin naman na feeling mo ay misunderstood ka o hindi tinatrato nang tama ng mga taong tinuturing mong pamilya.

Isa pa ring kahulugan ng panaginip mo ay may isang tao na binibigyan ka ng proteksyon at stability. Kailangan mo na lang papasukin ang pag-ibig patungo sa iyong direksyon.

May kaugnayan ito sa nakita mong elepante, ipinapakita nito na powerful at maipluwensya ka pero madaling maapektuhan ang emosyon mo. Kung minsan, ito rin ang dahilan kung bakit feeling mo ay drain ka na sa lahat ng ginagawa mo. Matutuo ka dapat na maging praktikal.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.