Una sa Balita

Hindi ako tomboy – Mikee Quintos

0 600

Upang pabulaanan ni Mikee Quintos na siya ay isang lesbian, inamin na nito na meron siyang non-showbiz boyfriend.

Hindi binanggit ni Mikee ang name nito, pero kilala raw ni Alden Richards ang boyfriend niya dahil nagkakalaro raw ang dalawa sa Mobile Legends.

“Happy naman and I just want to take things slow. Ayoko na muna ng all-out. Gusto ko lang i-enjoy ang time with him at kung ano ang meron ngayon. Wala pa ako du’n sa level na ‘I love you forever,’” sey ni Mikee.

Noong high school at college pa raw kaibigan ni Mikee ang kanyang boyfriend.

Paminsan-minsan daw ay binibisita raw siya nito sa taping ng “The Gift”.

Natsismis na isang lesbiana si Mikee dahil sa pagiging close nito sa newly-crowned Miss World Philippines na si Michelle Dee.

Ayon kay Mikee, matagal na raw niyang barkada si Michelle. High school pa lang daw sila ay magkaibigan na sila kaya siguro nabibigyan ng malisya ng ibang tao ang closeness nila.

Dagdag pa ni Mikee na kilala rin daw ni Michelle kung sino ang boyfriend niya. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy