Una sa Balita

Hindi ako pumatay ng tao – Regine

0 1,276

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloySunod-sunod ang posting ni Regine Velasquez ng kanyang saloobin sa mga kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanya sa social media na may kaugnayan pa rin sa naging paglipat niya sa ABS-CBN 2 mula sa

Sa posting niya ng larawan ng gagawin niyang show sa Kapamilya Network, ang “Idol Philippines” bilang isa sa mga hurado, ibinuhos ng singer-actress-host ang sama ng loob niya sa pagkuyog sa kanya at sa buo niyang pamilya ng mga basher.

“Dear bashers, I’m truly happy for GMA. Congratulations to everyone in SPS and KMJS, and I’m happy you guys are happy. But just a suggestion total sinasabi niyong lahat na hindi ako kailangan ng GMA. Sinabihan niyo ako na wala akong utang na loob walang akong loyalty (apparently 20 years cannot be considered being loyal) muka akong pera,” say niya.

Nakiusap si Regine sa mensahe niya na huwag idamay ang kanyang mister na si Ogie Alcasid pati na ang wala namang kinalaman sa kanyang karera na anak niyang si Nate.

“May you guys can stop insulting me, my husband and my son.  Lumipat lang po ako ng network hindi ako pumatay ng tao.  Again I’m grateful for my 20 years in GMA I made a lot of friends there and I have great memories being a Kapuso,” saad pa niya.

Tanggap na raw ni Regine na ‘kinasusuklaman’ siya ng ilang mga bumabato sa kanya, kaya tanggap na rin niyang hindi panonoorin ng mga ito ang kanyang mga gagawing projects sa ABS.

“Tutal naman po nayurakan niyo na nang bonggang-bongga ang pagkatao ko na para bang may nagawa akong masama sa inyo personally. You guys obviously HATE me, gets ko na po.

“Gets ko na rin na hindi nyo papanoorin ang mga shows na gagawin ko sa ABS tanggap ko na po yun at wala naman pong pilitan ito.  Free TV po ito walang bayad we are all here to provide you entertainment for FREE!!!! So, sa madaling salita kayo ang panalo dito.

Nagpatutsada sa kanyang huling mensahe si Regine nang ipagdiinan niya ang pagiging isa na ngang certified artist ng Kapamilya Network.
“Nagmamahal Kapamilya Regine.”

Sa kasunod na IG post ni Regine, sinabi nitong naka-recover na siya. Pero nasaktan at iniluha niya ang mga masasakit na salitang ibinato sa kanya ng mga tao.

 

Zsa Zsa natulala sa pagkamatay ni Rico

Nagulantang si Zsa Zsa Padilla sa pagkamatay ng award-winning singer-performer na si Rico Puno.

“R.I.P. Rico Puno. Shocked to hear about your sudden passing. We will always remember your beautiful songs and your unique way of interpreting them,” tweet ni Zsa Zsa.

At ayon sa reply ni  Zsa Zsa sa isa niyang follower sa Twitter, nakita lang niya ang post ng concert-promoter-producer na si Anna Puno ang balitang patay na si Rico.

“Saw the post of Anna Puno, his sister-in-law who produces concerts here and abroad.”

May history ng sakit sa puso si Rico. Dumaan siya sa triple-bypass operation.

Nang maka-recover parang nagkaroon ng panibagong buhay si Rico at nagsunod-sunod ang kanyang mga project hanggang sa taong ito. Meron sana itong comedy concerts kasama sina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez na gagawin sa Solaire Theater ngayong November 23.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy