Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hindi ako nabuntis ni Robin!’ — Mocha

0 269

Agad-agad na sinopla ni Mocha Uson ang tsismis na buntis siya at si Robin Padilla ang ama.

Nag-post nga siya sa kanyang Instagram ng video na nagi-exercise siya, nagbubuhat ng maliit na barbell at lantad na lantad ang impis na tiyan.

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN?”

“Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel.
“Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na suporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung ano ano paninira ang iniimbento nila.”

Oh, ayan, ha! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.