Una sa Balita

‘Hindi ako makapaniwala!’ – Winwyn

By
0 16

Sobrang proud at nagsusumigaw ang mga mensahe ng mga kapwa-artist­a ni Winwyn Marquez sa Ins­tagram wall ng bagong reyna sa Reina Hispanoamericana.

Abante Hiring – IT dep

At dahil sa pagwawagi ni Winwyn, mas naengganyo nga ang mga aspiring beauty­ queen tulad ni Gabbi Garcia, na sumali at ipagpatuloy ang pangarap nila na maging beauty queen.

“Hindi ako makapaniwala. Totoo toh, di ba? Maraming maraming sa­lamat…­” sabi ni Winwyn habang hinahalikan ang kanyang korona.

Anyway, bigla ngang dumami ang IG followers ni Winwyn, at dumami rin ang likes and comments, ha!

Halos hindi mo na nga mabasa pa ang mga mensahe sa IG wall niya, unlike noon na mabibilang mo lang ang mga mensahe.

kylmrstllrys “Pure Filipina. Congratulations ate Winwyn!”

mchljy129 “Congratulations Ate Winwyn! Sa umpisa pa lang alam ko ng mananalo ka!”

ginagalingan_ni_ralph “Ang husay mo po @wynmarquez. Congratulations! Well deserved.”

averochxanna “Oemzeee congraaats mah queen.”

piatos_0694 “Congrats @wynmarquez you deserved the Crown and I am proud to be a Filipino.”

Heto naman ang mensahe ng tita ni Winwyn na si Melanie Marquez:

“CONGRATULATION to our newly crowned REINA HISPANOAMERICANA 2017 TERESITA SSEN L. MARQUEZ! Mabuhay to Your Parents & Your Team behind your Victory! Thank you so much Winwyn for making Our Country Proud! We ❤U! Cheers! GOD is Good!”

Bongga talaga si Melanie, ‘di ba?