Una sa Balita

Hindi ako ‘Fake News King’ — Aguirre

By
0 4

Ipinagtanggol ni Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II ang sarili sa bansag sa kanyang ‘Hari ng Fake News’.

“That is false. I have never been a fake news king,” giit ni Aguirre.

Ang reaksyon ng kalihim ay kasunod ng isinampang reklamo ng Millennials Against Dictators at ng Akbayan Youth laban kay Aguirre sa Office of the Ombudsman.

Abante Hiring – IT dep

Inakusahan ng petitioners ang justice department ng paglabag sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Kabilang sa reklamo ng mga ito ang inilabas na ulat ni Aguirre na sangkot ang ilang mambabatas sa pagpapabagsak sa gobyerno matapos umanong makipagkita ang mga ito sa dalawang malaking angkan sa Marawi City bago sumiklab ang giyera sa pagitan ng government security forces at ng teroristang ISIS-inspired Maute group noong Mayo 23.

Pumalpak ang impormasyon ni Aguirre at pinutakte ito ng batikos ng netizens at mga grupong nakaladkad sa maling paratang.

Sinabi ni Aguirre na ibinase lamang nito ang impormasyon sa natanggap nitong “raw intelligence information” kaugnay ng pakikipag-usap nina Senador Antonio Trillanes IV at Paolo Benigno Aquino IV, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, at Ronald Llamas, political adviser ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa political clan ng Lucman at Alonto.

“Matagal na ‘yan. It’s a very small issue making a mountain out of a molehill. ‘Yun lang. Hindi ka maaaring bumaba ng ganu’n,” banat ni Aguirre.

“Unang-una, hindi fake news ‘yun. It is a raw intelligence report and I made clear to the media, sa inyo. Sinabi ko sa inyo na this is mere intelligence report. I have to validate it. I don’t want to make speculation. Hindi n’yo naman prinint ‘yon. It was never a fake news,” pagtatapos nito.