Una sa Balita

Hindi ako dilawan — Zsa Zsa

0 426

Tumalak si Zsa Zsa Padilla sa kanyang tweet para ipagdiinang hindi siya “dilawan”.

First time ng Divine Diva na magtaray sa Twitter post niya dahil hindi niya tanggap ang akusasyong supporter siya o kaalyansa ng mga Aquino o ng Otso Deretso.

“Just set the record straight to those calling me ‘dilawan’, please stop calling me kasi po 2 lang sa LP ang binoto ko. Paki-check at never ako nag-campaign for any politician sa 36 years ko sa showbiz! Manalo man o matalo ang binoto ko, tanggap ko yun!” sabi ni Zsa Zsa.

Hindi pa riyan natapos ang pang-a-award ni Zsa Zsa sa mga nambibintang sa kanya, at nagpasaring pa siya tungkol sa ignorance.
“Ignorance is not cute…”

Kinampihan naman ang actress-singer ng kanyang mga follower at sinabing hindi deserve ng kanilang idol na bastusin ng sinuman lalo at walang basehan ang mga ito.

Sa pagkakaalam namin, ngayon lang nagtaray si Zsa Zsa tungkol sa isyu ng politika. Lagi itong pa-sweet sa kanyang mensahe ng unity tuwing eleksyon. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy